Chapter 14: Saved by Her

17.1K 704 108
                                        

Sky's POV

"It's Mica's birthday, hindi ka pupunta?" Carol asked habang nandito kami sa harap ng school nila, the same coffee shop.

Kinausap n'ya ako tungkol sa nangyari. Alam na pala ng parent's n'ya ang set-up namin and her mom wants to meet me kaya kinakabahan ako. Kaya ang sabi ko huwag muna ngayon. O sa susunod na araw, o linggo.. nakakakaba naman kasi.

"Hindi e, may lakad si mommy later. Need ko s'yang ipagdrive," dismayadong wika ko. Mica invited me but I already said that I can't come. Sayang, paniguradong pupunta itong si Carol do'n.

"Hm, okay," she said. Carol's wearing a floral dress habang nakalugay naman ang shoulder length n'yang buhok but she looks really pretty.

And yup, inaadmit ko ng crush ko s'ya. Ang corny pakinggan pero 'yon talaga. Gandang-ganda ako sa kanya e, 'yon lang naman ibig sabihin non. Para manahimik na rin ang isip ko. Nagconfess na nga ako, sayang lang mukhang hindi n'ya napansin yung siningit kong crush kita.

"May gagawin ka pa ba?" Tanong ko sa kanya. I feel like I can't wait for February 14, parang gusto ko na s'yang i-date ngayon kaso may lakad naman ako. Bakit kasi nagkasabay pa?

"Dadaan lang ako ng mall before going to Mica's house." She answered plainly.

"May sakay ka?" I asked. My eyes are fixed at her face. Why can't I stop looking at her? Ang ganda kasi n'ya, totoo, walang halong biro.

"Wala, magcocommute lang ako." She answered and then my eyes travels down her lips. It's pink, like her natural lips na pinatungan lang ng kaunting lip balm.

Binalik kong muli ang tingin sa mata n'ya. "Idaan na kita sa mall," I offered. Bigla naman s'yang nag-iwas ng tingin habang pinamumulahan ng pisngi. Tangina, ang cute talaga. Shet, masamang pangitain na yata ito.

"N-no, I can commute naman," she declined. Umayos pa ito ng upo habang hindi parin makatingin sa'kin nang diretso.

"Nope, nandito na rin naman tayo e. Kung gusto mo tara na? Para makapili ka nang maayos ng ipanreregalo kay Mica." Aya ko pa sa kanya. Doon lang s'ya nakatingin sa'kin. Nginitian ko s'ya. Mukhang balisa ito, o naiilang, o nahihiya? Ewan ko.

"Baka mahuli ka sa lakad n'yo ni tita." Concerned na usal n'ya.

Oh, Sky, 'wag kang ngingiti. Syempre tinawag na tita as sign of respect. 'Wag assumera.

"Hindi, maaga pa naman," pamimilit ko pa. Pumayag ka na kasi. Don't decline, please, please.

"Sige na nga," she said. Yes! I'm biting the insides of my cheeks to stop myself from smiling.

Sabay na kaming tumayo sa silya namin. Pinauna ko na rin s'yang maglakad pero bago pa s'ya makalayo ay agad akong dumikit sa likod n'ya. Shit shit.

"Uh, why? Ang luwag ng daanan, Sky." Puna n'ya sa bigla kong paglapit. Tangina, anong gagawin ko? Sasabihin ko na ba ngayon? "Sky?" Tanong n'ya pa ulit.

"Lakad ka papuntang comfort room," bulong ko sa kanya.

"Why?" Naguguluhang tanong n'ya. "Pwede bang umatras ka k-konti?" Naiilang na tanong n'ya.

"Hindi, basta, lakad. Bilis!" Pagmamadali ko pa. Wala na s'yang nagawa kundi sundin ang utos ko. Imbes na palabas ay naglakad kami papunta ng cr habang nakabuntot ako sa kanya. Mabuti nalang kaunti lang ang tao rito sa coffee shop.

Nang makarating sa ladies room at agad n'ya akong hinarap sa nagtatanong na tingin.

"Ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong n'ya. "B-bakit mo 'ko pinapunta rito?" She asked. I can feel the nervousness on her voice.

𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon