Chapter 5: Unveiled

13.6K 667 83
                                    

Sky's POV

Pasukan na ulit at ano pa bang kasunod ng pasukan? Syempre stress. Kaya after ng first day of second sem ay nandito ako ngayon sa bar. Yup, I'm alone. Sanay naman akong magbar mag-isa.

I was just minding my own business in the counter then suddenly, someone approached me. Dahil nakatalikod ako ay agad nitong ipinulupot ang kamay sa bewang ko.

"Hi, baby," she whispered to my ear. Hindi na ako magtatanong. I know isa lang s'ya sa mga naka-one night stand ko. "My place is free tonight, what do you think?" Malanding bulong nito.

Humarap ako sa kanya. Tama nga ako. Pamilyar pero hindi ko maalala ang pangalan. As if it matters.

"Cool." Walang gatol kong sagot. Nag-iwan ako ng bill sa tapat ko, bayad para sa ininum ko saka bumaba ng stool. The girl smiled seductively.

Nakayakap s'ya sa braso ko habang naglalakad kami palabas. Wala pa kami sa exit ay nakarinig kami ng hiwayan ng mga tao. Umiral naman ang pagkachismosa ko kaya agad akong napalingon.

May nagsusuntukang dalawang lalaki. Napailing nalang ako. Aalisin ko na sana ang paningin ko sa kanila nang may biglang isang babae ang humarang sa pagitan ng dalawang lalaki.

"Carol?" Tanong ko sa sarili. Hindi ako nagkakamali, si Carol nga 'yon.

"Hey, baby, where are you going?!" Maarteng saad ng babae pero iniwan ko na s'ya do'n at lumakad palapit sa kaguluhan pero hindi sobrang lapit para hindi ako mapansin.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan dahil bumubulong lang si Carol sa lalaki. Naalala ko na, that's his husband. Geez.

I tried to lipread their conversation.

Look at me, this isn't you.

Parang gano'n lang naman ang sinasabi ni Carol kaya mas lumapit pa ako para marinig.

"Matt, enough." Ayan naririnig ko na sila. Pinipigilan ni Carol 'yong asawa n'yang mukhang galit na galit.

"I wanna fucking ruin his face. Goddmann it, asshole." Tangina ang expensive naman magalit nitong asawa n'ya. Anong laban ko d'yan? Ay tangina ba't ko naman kasi lalabanan.

"What's your problem, Matt, ha?! Makabakod ka akala mo naman boyfriend!" Sagot naman nitong kaaway n'ya. Huh? Tanga, asawa nga 'yan e. Mukhang alam ko na pinag-aawayan. Nagalit siguro dahil binastos 'yong asawa n'ya.

"She's my friend and you don't have the right to disrespect her! Gago!" Sigaw naman pabalik nitong isa. Ha? Hakdog. Paanong kaibigan n'ya lang e 'diba kasal na sila?

Nagsidatingan na ang mga bouncer ng bar kaya pinaghiwalay na silang dalawa. Si Carol at 'yong asawa n'ya ay nagpunta sa isang table. Kasalukuyang ginagamot ni Carol ang mukha ng lalaki kaya umalis na ako.

Nakita ko namang hinahatid palabas ng bar 'yong isang lalaki pero ayaw n'yang magpahawak sa mga bouncer. Sumunod ako sa kanila.

Papasok na sana sa kotse n'ya 'yong lalaki nang agawin ko ang pansin n'ya.

"Psst." Sitsit ko. Agad itong napalingon sa'kin. "Oo, ikaw. May tanong ako." Naglakad pa ako palapit sa kaya.

"Sino ka?" Pagalit na tanong nito.

"Hindi ako sinuka, inere ako." Pambabara ko. Biglang sumama ang tingin nito kaya nag-peace sign lang ako. "May tanong lang ako bro, 'yong Matt ba 'yon at 'yong Carol, hindi ba mag-asawa 'yon?"

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala, parang hindi kasi sila bagay." Sagot ko naman. "Ano nga?" Pangungulit ko pa.

𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon