I. SELENE

2.7K 62 4
                                    

"From all the evil that surrounds me, defend me. And when the call of death arrives, bid me come to Thee. That I may praise Thee with Thy saints forever" kanta ng mga batang choir na tinuturuan ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa aking piano at humarap sa kanila suot ang isang malawak na pagkakangiti.

"Okayyy, very good kids! So bago tayo mag aral ng ibang kanta, ano ang gagawin natin?" tanong ko sa mga ito.

"Devotion po, Ate Selene!" masiglang sagot ni JM, isa sa mga active na active kong choir.

"Tama! Sino ang makakapagsabi sakin kung tungkol saan ang kanta na itinuro ko?" tanong ko sa mga bata.

Ganito ang routine ko tuwing Sabado ng umaga. Magtuturo sa mga bata ng kanta at pagkatapos ay ituturo ko sa kanila kung ano ba ang nais ipahiwatig ng mga kantang naituturo ko. Gusto ko kasi na hindi lang nila dapat kabisado ang mga kanta, dapat alam din nila kung ano ang ibig sabihin.

Iba ang pagkanta kapag kabisado mo lang, mahirap bigyan ng emosyon. Pero kapag kinanta mo ang isang kanta at dinama ang kuwento sa likod nito, maipaparamdan mo at maipaiintindi sa bawat nakikinig ang bawat salita at kuwento sa bawat lirikong bibigkasin mo.

"Selene Tatiana Quinn Smith! Kanina pa kita tinatawagan! Anditey sila Kuya DJ!" eksaheradang sigaw ni Alexis habang papasok sa simbahan.

ALEXIS WILSON, ang babaihan na childhood bestfriend ko. His Dad and my Dad are cousins kaya bukod sa magkaibigan, magkadugo din kami. We're on the same age and he is also an active youth dito sa chapel namin. Katulong ko din siya sa pagtuturo at paghahasa sa bawat member ng choir namin dito.

We actually grew up in Russia and migrated in the Philippines when I was in High School. Naunang umuwi sila Alexis dito dahil hinintay pa namin makatapos sa pre med si Kuya. Actually, bukod kay Alexis there is Macky.

Macky's Step Mom and my Mom are best of friends since High School back there in Russia. Kaming tatlo ang lumaking magkakasama at magkakakampi. Pero mas naunang umalis sa Russia sila Macky kaya wala na kaming balita gaano ni Alexis. Hindi na din kasi siya nakapag paalam sa amin ni Alexis.

Simula nang makauwi kami sa Pilipinas, si Alexis na lang ang madalas ko makasama. We didn't even see Macky sa lahat ng gatherings, madalas kasi ay Parents lang niya ang nakikita namin. Hindi na din kami nakapag tanong tanong ni Alexis kung kamusta na ba 'to. I tried, pero inuunahan ako ng kaba.

My Dad is a Russian with a Filipino blood because his Mother is Pinay and my Mom is half Filipino, 1/4 Spanish and the other fourth is Russian. Eventhough my parents' blood is not pure Filipino, they still chose to build more businesses here in the Philippines dahil dito nila gusto tumanda.

Kaya kung titignan kami ni Kuya, para kaming walang dugong Pinoy dahil sa features namin lalo sa mga kulay ng mga mata namin na kulay asul. Pero kapag titignan kami with our eyes' close, doon mo siguro masasabi na may dugong Pinoy kami bukod sa puso at ugali na mayroon kami. Aside sa ugali, Our parents, never nakalimot. Our first language is Tagalog despite of us living in Russia.

"Shhh! Ang ingay mo bakla, may mga bata oh. Bakit daw?" sagot ko dito.

"Eh ayun na nga. ipa-Practice daw sana niya mga alaga niya para sa Unang Simbang gabi" sagot nito.

"Oh, asan sila Kuya?" tanong ko.

"Si Kuya DJ nga ba o si Hiro? Nakuu, delikado na 'tong Ate Selene niyo" pabirong sabi ni Alexis sa mga bata. Nagtawanan ang mga ito at nakisabay sa pang aasar sa akin.

"Bunsooo! Na-miss kita!" Sigaw ni Kuya DJ habang patakbong lumalapit sa gawi namin. Siya ang head ng mga Altar servers sa Parish at parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon