XXIV. TOPS

306 11 0
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!



TOPS

Andito kaming lahat sa office na nakalaan para sa Team sa loob ng kumbento habang hinihintay ang iba pa naming kasama.

Wala sila Fr. Lez and Fr. Ariel dahil pinatawag sila ni Bishop at doon na matutulog kaya kami lang ang nandito at ang ilang mga Madre.

Napatingin ako kay Selene na kanina pa palakad lakad at hindi mapakali. Kanina pa siya tinatanong ni Marcus pero hindi ito sumasagot.

"Ano meron, gabi na ah. Tsaka magkakasama lang tayo kanina" sabi ni Kuya Kel na kagaya ko, nagulat din sa biglaang pagtawag ni Selene.

"Kumpleto na tayo. Puwede mo na sabihin, Selene" sabi ni Ate Mandy na pumipikit na ang mga mata dahil sa pagkaantok.

Hindi nagsalita si Selene at isa isa niya kaming pinasadahan ng tingin. Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan sa kung ano ang sasabihin niya.

Kilala ko si Selene. She will respect your personal time, kaya alam kong hindi niya kami ipapatawag kung hindi ito mahalaga.

"Ate Mandy, diba member ka ng Santa Lucia dati? Ano ang alam mo sa kaso ni Maria?" tanong nito.

"Sa totoo lang, saglit lang akong naging miyembro ng ministry dahil lumipat kami sa San Isidro. Pero naabutan ko iyon. Ako ang naging katulong ni Fr. Lez sa mga kaso niya noon dahil madalas akong makaamoy at nakakakita din ng itim na aura sa isang tao" kuwento ni Ate Mandy.

Naabutan ko siya sa Ministry kaya alam ko na may alam ito sa mga nangyari noon. Bata pa kami masyado ni Pauie noon, kaya hindi detalyado ang alam ko.

"Si Clang ang youth leader namin noong sumali ako sa ministry. Bata pa lang ako, aware na ako sa kakayahan ko na makakita o makaamoy. Then, Vanie and Arlene came into the picture" kuwento nito.

Nagulat ako dahil akala ko ay talagang matagal na si Ate Vanie sa ministry kagaya nila Ate Clang.

"Naunang sumali sa Ministry si Vanie. Unang kita ko pa lang sa kaniya, alam ko na agad na may mali. Iba ang nararamdaman ko sa kaniya. May kakaiba sa kaniya na hindi ko ma-explain" nakakunot na ang noo nito habang inaalala ang mga nangyari noon na maging ako ay hindi na gaano maalala.

"After ilang months, si Arlene naman ang sumali. Hindi kagaya ni Vanie, mas madali mabasa si Arlene. Unang kita ko dito, binalot agad ito ng dark aura pagkapasok palang sa simbahan. Hindi ko alam na ang kagaya niya ay kayang pumasok sa simbahan. Hindi ko alam kung aware siya sa dark aura na meron siya"

"Hindi ko sinabi kahit kanino ang mga napansin ko dahil maayos naman ang pakikitungo nila sa lahat ng miyembro"

"Pero nagsimulang gumulo ang lahat dahil may mga nangyayaring hindi namin kaya ipaliwanag. Dumami sa mga member ang nakakakita na at naapektuhan dahil dito. Andiyang kusang tumutunog ang lumang piano, may nakakakita ng anino sa sacristy, may bata daw sa gawing commentator, may nakakarinig na may kumakanta at nag h-hum, at marami pang iba"

"Madami ang miyembro ng ministry noon, pero unti unting nagsialisan dahil dito" sabi ni Ate Mandy na napatingin sa akin.

"Oo, naaalala ko pa kung paano kumonti ang active member ng Santa Lucia. Naalala ko din na si Ate Vanie ang pinaka naapektuhan sa lahat pero siya lang din 'yung isa sa nagtagal. Sayang, kinuha agad siya" sagot ko naman.

"Tops, alam kong ganoon nga ang nakikita mo. Pero si Vanie, sigurado ka ba na wala siyang kinalaman doon?" tanong ni Mandy na ikinakunot ng noo ko.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon