XXII. CASE #80

334 11 0
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!


"Aalis na naman kayo ni Kuya Tops?" nagtatampong tanong ni Ose sa amin nang sumaglit muna kami sa mga kaibigan namin na nasa simbahan para iayos ang mga props na ginamit namin noong Panunuluyan.

"Oo eh" sagot ko at napatingin kay Alexis na hindi kami pinapansin kanina pa.

"Nagtatampo 'yan sa inyo" bulong ni Mimi sa akin habang nakatingin kay Alexis na nagbibilang ng kandila na dineliver kanina.

"Babawi kami" sabi ni Kuya Tops bago tumayo at ayain na ako.

Nagpaalam na kami sa kanila dahil kailangan naming suduin pa si Omar at Harold.

May training at Lectio Divina kasama sila Pads para sa paghahanda sa nalalapit na COSIM. May pupuntahan din sila Pads na bahay kaya gusto nila kami isama muli. Kailangan daw kasi namin masanay.

Napaaga kami kaya pumunta muna kami sa office ng simbahan para makipag kuwentuhan sa mga nandoon.

Kakatawag lang ni Marcus para sabihin na susunduin niya ako pero sinabi ko na andito na ako kasama sila Kuya Tops.

"Para kay Ate Selene daw po" narinig kong sabi ng isang batang Altar Server na may hawak na isang bouquet ng bulaklak habang ang isa namang katabi nito ay may hawak na isang malaking paper bag.

"Kanino daw galing? May Marcus na ang anakis ko" nakataas na kilay na tanong ni Kuya Kel na papalapit na sa dalawang batang Altar Server.

"Kay Kuya Marcus po. Nasa loob po kasi siya ng Parish at tinuturuan po 'yung mga bagong sali na Sacristan kaya hindi siya makalabas para iabot 'to" sabi ng isang Altar Server na may hawak na malaking paper bag.

"Ohh, thank you kamo. Next time kamo, bigyan din kami ng bulaklak ha? Pa experience naman!" sabi ni Kuya Kel na kinuha na ang bulaklak at inamoy.

Tumayo na din ako at kinuha na sa isang bata ang paper bag. Nagpasalamat ako bago sila umalis at pumasok muli sa loob ng simbahan.

"Ang sweet ng pambato ko ah!" sabi naman ni Kuya Tops na inagaw na ang paper bag sa pagkakahawak ko para tignan ang laman.

Inilabas niya ang mga Oreo, Potchi, at 20 packs of Yakult mula sa paper bag at iniabot ang isang tupperware na may laman na vegetable salad at sandwich.

Ipinamigay nila ang ibang pagkain sa mga nasa office at nakisubo sa salad na nasa isang malaking tupperware at sa smoothie na kasama nito. Natawa pa ako nang mag agawan sila sa sandwich na nandoon.

Pumasok ako sa Parish dala ang mga natirang Yakult at Oreo at naabutan si Marcus na pinagsasabihan ang dalawang Sacristan na nakayuko ang mga ulo.

"Hindi ba mahigpit na bilin ko sa inyo, no other business during mass? Kung may pag uusapan kayong ibang bagay, patapusin niyo ang misa" mariing sabi ni Marcus na mukhang galit na.

Umubo ako kaya napatingin silang lahat sa gawi ko. Nakakunot ang noo ni Marcus pero unti unti din itong nawala at napalitan ng malawak na ngiti habang papalapit sa akin.

"Ang sungit naman ng babe ko" sabi ko dito habang minamasahe ang noo niya na nakakunot kanina.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya. I waved my hands to get his attention dahil para siyang na-estatwa. Napakurap siya dahil sa ginawa ko.

"What did you say? Pakiulit nga. Namali ata rinig ko" tanong niya na unti unti na namang kumukunot ang noo.

"Ang sungit mo?" nagtatakang tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon