XII. ILAW

405 18 1
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!



"Bakit bukas ang mga ilaw sa buong simbahan?" nagtatakang tanong ko kay Marcus na nagd-drive.

As usual, ipinagkanulo na naman ako ng mga kaibigan ko kay Marcus. They didn't let me na sumakay sa sasakyan ni Kuya DJ. Ipinagtabuyan na naman nila ako kay Marcus. What a great circle of friends!

"Baka andiyan sila ate Kendy, Ate Selene?" tanong ni CK sa likuran namin. Nagpaalam siya na sasama sa amin sa paggawa ng props.

Tumango lang ako at bumaba na si CK para buksan ang gate ng simbahan dahil nauuna kami kila Kuya DJ na nasa likuran na din namin.

Nakita kong nagmamadaling tumakbo si Kuya Tops at Alexis sa simbahan kaya bumaba na din ako para sundan sila. Nakita ko din ang pagtataka sa mukha ni Ate Pauie na nakahalukipkip lang at nakasandal sa dibdib ni Kuya DJ.

"Walang susi, nakalock. Punta kami saglit kay Lolo Merming para mapatay mga ilaw" sabi ni Kuya Tops at hinatak na si Alexis palabas.

Tatlong susi mayroon ang simbahan pero office, bodega, at kitchen lang ang mayroon kami. Sa lahat ng may hawak ng susi ng simbahan, si Lolo Merming ang pinakamalapit dahil halos katapat lang ito ng simbahan.

"Bakit nakabukas? Pinatay namin 'to kanina" narinig kong sinabi ni Lolo Merming na halos takbuhin na ang simbahan.

"Patay din naman 'yan kanina nung nasa kitchen tayo bago umalis papuntang Parish" narinig kong bulong ni CK na nasa tabi na pala namin ni Marcus.

Lumakad na kami papunta sa gawi ng main door ng simbahan. Nahirapan pa silang buksan ito dahil sa dami ng susi na hawak ni Lolo Merming.

"Sigurado ba kayong walang pumasok dito kanina bago kayo umalis?" tanong ni Lolo Merming sa amin.

"Wala po. Patay po 'yan kanina nung umalis kami" sagot ni Ate Pauie.

Tumango na lang si Lolo Merming nang nabuksan niya na ang main door. Agad agad silang tumakbo papasok at sinuyod ang bawat gilid ng simbahan para tignan kung may tao.

Hindi pa sila nakuntento at tinignan din ang labas ng simbahan. Nagpunta naman ako kasama ang mga Sacristan sa office at bodega para tignan kung may tao. Lumabas din si Alexis at CK papunta sa kusina para tignan din ito.

Nakita kong binuksan din nila ang mga ilaw na nakapaligid sa simbahan para tignan ang paligid nito.

It's already late and it is impossible na may tao pa sa simbahan nang ganitong oras except for us na may kailangang gawin.

Pumasok na din kami sa simbahan at naabutan sila Kuya Tops na pinagsasabihan ni Lolo Merming.

"Sigurado ba kayong dito kayo gagawa eh anong oras na? Puwede namang sa bahay na lang namin kayo o sa inyo Christoper" mariing sabi nito.

"Masyado na po kaming makakaabala kapag sa inyo kami gumawa. Kung sa amin naman po, hindi namin maaayos 'yung mga bahay na gagawin. Masyado pong malalaki at madami" sagot ni Kuya Tops.

Napabuntong hininga na lang si Lolo Merming bago iniabot sa amin ang susi na hawak niya.

"Mukhang hindi na kayo mapipigilan. Oh heto ang susi ng simbahan, i-lock mabuti bago matulog" sabi niya bago lumakad muli at sinuri na naman ang bawat sulok ng simbahan.

Nang matapos siya sa pagiikot ay nagpasya na siyang umalis na at umuwi. Nagbilin ulit siya samin nang paulit ulit kagaya ni Kuya A at Pads.

"Umay na umay ako sa mga pangaral tonight ah! Nakakaloka!" sabi ni Alexis na nakahiga na ngayon sa riser.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon