XXIII. MAXIE

320 14 0
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!


You've no doubt heard demon's whispers: "Go ahead, pursue that affair." "Lying is just part of the business." "Nobody's looking. Take the money." Known in the Bible as the father of lies (John 8:44), he's hell-bent on stealing, killing and destroying everyone he can.

That's why the Bible cautions us to, "Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour" (1 Peter 5:8).

Satan knows that very soon, God will shut down his earthly reign. At that time, God will banish Satan to hell—the place of eternal judgment. Those who reject God like Satan did will go there, too.

But God doesn't want anyone to go to hell and isn't happy when someone ends up there (Ezekiel 18:23). His Son Jesus died so nobody would have to go to hell if only they would accept Him as Lord.

The devil does his best to distract, though. If he can get you to put off choosing Christ long enough, you'll miss out on God's free gift of eternal life with Him in heaven. Not choosing Christ is choosing an eternity without Him.

Nasa loob padin kami ng office na para sa amin at nagpapahinga. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong office na may isang malaking book shelf na puno ng mga libro na makakatulong sa amin upang mas maunawaan ang mga ginagawa namin lately.

Nilingon ko ang mga kasamahan ko na may kaniya-kaniyang hawak na libro at tahimik na nagbabasa.

"Next page na, babe ko" bulong ni Marcus na nakapatong ang ulo sa kaliwang balikat ko habang nakikibasa sa libro na hawak ko.

"Bakit kasi hindi ka kumuha ng babasahin mo don?" tanong ko dito.

"Shh, I like this position. Mas nakakapagpahinga ako" sagot nito at tuluyan nang inakap ang mga bewang ko.

Dumating si Fr. Ariel na may mga dalang meryenda para sa amin. Nag abot din siya ng mga folder na may laman na mga makakapal na papers.

"Pinabibigay ni Fr. Lez. Mga cases 'yan na ibinigay ni Bishop sa amin. Basahin niyo daw para mas lumawak kaalaman niyo, but please, consider those papers as confidential cases. Ipinagkatiwala namin sa inyo 'yan, hindi para ipagsabi sa iba, kundi basahin at aralin nang mabuti. Makakaasa ba kami ni Fr. Lez?" tanong ni Fr. Ariel.

Sumagot ang lahat kaya umalis na din si Fr. Ariel dahil may kailangan pa daw silang ayusin ni Fr. Lez sa office nito.

Kumuha ang bawat isa ng tagi-tagisang folder. Binuklat ko ito isa isa at ang pumukaw ng pansin ko ay ang isang lumang folder na kulay itim at may nakatatak na 'Vatican' sa pinakalabas. Tinawag ko ang attention ng lahat dahil kumpara sa lahat ng folder na kulay puti, ito lang ang naiiba.

"Bakit iba kulay niyan?" nagtatakang tanong ni Kuya Kel.

"Ang alam ko kapag ganiyan ang folder, case 'yan galing mismo kay Pope sa Vatican. Buksan mo nga, Selene" sabi ni Ate Mandy na siyang sinunod ko din naman agad.

Lumapit silang lahat sa gawi namin ni Marcus at sumilip sa folder na binuklat ko.

Bumungad sa amin ang isang imahe ng batang babae at ang personal information na nasa gilid nito. Taga Santa Lucas ito at nalalapit ang edad kila Kuya A.

Inilipat ko ito sa susunod na pahina at bumungad naman sa amin ang isang imahe ng isang kamay na may sugat sa gitna. Napatulala ako at napansin ko na walang nagsasalita sa mga kasama ko at nakatuon ang pansin sa picture ng kamay.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon