"Ang bilis ng panahon, COSIM na bukas" sabi ni Ate Mandy na hindi na tinigilan ang pagbabasa ng libro tungkol sa mga kulto.
"Inaantok na nga ako" sabi naman ni Kuya Kel na hawak naman ngayon ang folder report ni Fr. Lez tungkol sa kaso ng grupo nila Maria.
"Kamusta na kaya si Kuya Tops" narinig ko pa na bulong ni Omar na nasa likuran ko.
Ilang araw na sa Ospital si Kuya Tops pero hanggang ngayon ay hindi padin namin ito makausap. Simula kasi nang magising siya, hindi ito nagsasalita. Tinitignan niya lang kami at mas pipiliin na matulog na lang. Ang sabi ng Doctor ay baka daw dahil sa Mental Trauma dahil maayos naman na daw ang lagay ng katawan niya.
Wala kaming ginawa maghapon kung hindi ang mag prepare para sa COSIM bukas. Naging mabuti na din ang pakikitungo sa akin ni Alexis.
Sa office namin naisipan na matulog dahil gusto daw nila aralin lalo ang kaso nila Maria lalo at nalaman na namin na kasabwat nga si Tarlene dito. Nandito din si Arlene pero nasa office siya nila Fr. Lez at Fr. Ariel para matanong.
"Mahal, you need to rest" sabi ni Marcus pagkapasok sa office. May mga dala siyang coffee para sa mga kasama namin.
"Ano 'yan, gatas?" natatawang asar ni Ate Dons kay Marcus nang magabot ito sa akin ng isang basong gatas imbis na kape.
Nagtawanan sila at napailing na lang si Marcus na umupo na sa tabi ko at sumandal sa balikat ko.
Umaga na kami nakatulog dahil sa paghahanda para sa COSIM. Kaya kinabukasan ay halos tanghali na kami nagising. Pinagalitan pa kami ni Fr. Ariel dahil kung hindi pa daw kami gigisingin ay kami pa ang mawawala sa Opening program.
Katabi lang ng simbahan ang school na paggaganapan namin ng COSIM. Ang mga classroom ang magsisilbing tulugan ng mga delegates at ng mga staff. Madami naman ang classroom dito kaya kahit madami ang mga kabataan na sumali ay ayos lang.
Nasa attendance si Ate Dons at Alexis. Samantalang abala naman kami nila Kuya Kel sa pag aasikaso sa mga kabataan na dumadating. Sobrang dami namin ngayon dahil siguro wala namang limit ang mga delegates na puwedeng sumali at bukod doon, madami din sigurong naaya ang mga dating members na.
"Kuya A, nasa almost 300 na po ang participants natin" balita ni Kuya Kel kay Kuya A na abala sa pag aayos ng sound system.
"Ang dami natin ngayon ah" nakangiting sabi ni Kuya A.
"Oo, Kuya. Kumpara last year kaya baka mas lalo tayong madagdagan ngayon" sagot ni Kuya Kel.
"Osige't magsimula na tayo. Ready na Alexis at Selene sa kanta. Prayer, Kel" bilin ni Kuya A kaya kinuha na namin ni Alexis ang microphone at nagsimulang kantahin ang 'The Prayer' bago magsimulang magdasal si Kuya Kel.
Dumating na din ai Fr. Billy kasama si Fr. Ariel at sila Sister para sa Opening remarks. Napansin ko pa ang pagtatago ni Tarlene mula sa likod ni Kendy nang dumating sila Pads. Mukhang umiiwas ito kay Fr. Ariel.
Naging masigla ang lahat dahil sa buhay na buhay na mensahe ni Ninong Pads. He is really a good speaker eversince.
Nang matapos ang opening program, nagsimula na din ang groupings. Natuwa ako nang maging member ko si Tarlene. Mas maganda siguro iyon para mas mabantayan ko siya.
Pinasadahan ako ng makahulugang tingin ni Kuya Kel at Ate Mandy na siyang nagdecide para sa groupings.
Alam kong sinadya nila iyon para mas mabantayan namin ang bawat kilos ni Tarlene. Dahil sa lahat ng member ng TSC, kami lang ni Marcus at Ate Dons ang puwedeng maging leader. Hindi puwede si Kuya A at Ate Mandy dahil sila ang emcee sa halos lahat ng activities. Si Marcus naman ay ang nagsisilbing leader para sa mga Altar Servers na kasali.
BINABASA MO ANG
WITHIN
HorrorRow row row your boat, down the bloody stream. Brutally throttling, as your blood is falling, Revenge is my loudest scream. Make sure that everybody is rowing and not drilling holes when you aren't looking ... From all the evil that surrounds me, de...