"Seleneeee! Tatianaaaa! Gising naaaa!" narinig kong sigaw ni Alexis sa labas ng kuwarto ko habang malakas ang pagkatok. Narinig ko pa ang boses ni Kuya Tops na kausap si Ose tungkol sa meeting kagabi.
"Teka, maghihilamos lang!" sigaw ko pabalik bago dumilat ng tuluyan. Napatulala ako ng mapansin na sa sahig ako nakahiga.
Inisip ko ang mga nangyari kagabi. Sariwa pa ito sa isip ko but I refused to believe it, na baka panaginip lang.
Pero ipinagtataka ko ang pagkakahiga ko sa sahig at naalala na dito ako natumba kagabi. Natulala ako at nag isip ng mga posibleng nangyari. Sleep walking?
Napatingin ako sa bintana at napansin na bukas ito. It is always close dahil air-conditioned ang buong kuwarto ko kaya ipinagtataka ko kung bakit naiwan itong nakabukas.
Napapikit ako ng mariin. Ano ba ang nangyayari sa akin? Kahapon pa ito kay Michael. Am I hallucinating things?
Imbis na mag isip, bumangon na ako at mabilis na naligo. Pababa pa lang ako mula sa ikalawang palapag ay narinig ko na ang malalakas na boses ng mga kaibigan ko.
"Alam niyo, parang nakita ko si Ate Vanie kanina" narinig kong sabi ni Kuya Tops.
"Wala na si Ate Vanie, guni guni mo lang 'yan" narinig kong sagot naman ni Ate Pauie.
Hindi pa man nakakasagot si Kuya Tops ay narinig ko na ang kulit ng boses ni Ose.
"Gora na sa 5 days na COSIM! Huling hirit na sana bago mag start na naman ang klase!" narinig kong sabi ni Ose.
"Sa true! Edi kung ayaw ng iba, umuwi din agad sila diba" sagot naman ni Mimi.
"Ewan ko nga ba, depende talaga sa sagot ng majority" sabi naman ni Alexis.
"Oh, ayan na pala si Selene" sabi ni Kuya Tops nang makapasok na ako sa kitchen. Naabutan ko sila na kumakain na sa inihandang umagahan ni Manang.
Sumilip muna ako sa malaking wall clock sa living room bago tuluyang umupo na din sa dining table.
"Ang aga niyong nambulabog ah. 7 am pa lang ata andito na kayo" sabi ko sa kanila at kumuha na ng think thin protein oatmeal ko bago umupo sa tabi ni Ate Pauie.
"Oh, 'yan lang ang kakainin mo anak?" tanong ni Manang.
"Opo, may incoming shoot po ako for summer wears. Iwas rice po ako lalo at hindi ko maharap mag gym ulit" sabi ko dito.
"Oh? Bench ulit? Makasama nga ulit para makahanap ng model na puwedeng ipalit sa ex ko" sabi ni Alexis na ikina-iling at ikinatawa ng mga kaibigan ko.
"Robinsons. Saan tayo mamimili ng mga laruan? Tsaka nakamagkano ba tayo sa Caroling?" tanong ko sa kanila.
"Sa bagsakan na lang. Umabot sa almost 100k ang nalikom natin then ang expected na mabibigyan na bata is nasa 500 since isasama natin ang mga bata din around Santa Lucia. Kung may matitira, para sa allowance na lang siguro sa mga batang sasali sa COSIM?" sabi ni Ate Pauie.
"Huwag natin tipirin 'yung sa mga laruan. Nakausap ko si Daddy, sabi niya BPC daw ang sasagot sa mga damit para sa mga bata sa orphanage. Inabutan niya ako ng 40k, sabihin lang daw kapag nagkulang" sabi ni Kuya Tops.
"Amin na din ni Alexis ang para sa pagkain. So, laruan lang ang bibilin sa 100k kaya huwag tayo magtitipid sa bibilin. Toy kingdom tayo para 'yung quality, mas magagamit ng mga bata. Puwede din mamili tayo ng school supplies para sa mga bata dito sa Santa Lucia" sabi ko naman.
"Oo din. 'Yung mga laruan sa bagsakan, isang bagsak lang eh sira na ata. Hindi ko sinisiraan iyong bagsakan ah, alam ko lang dahil doon ako madalas mamili ng mga regalo ko sa pamangkin ko. Isang bagsak lang eh sira agad" sang-ayon ni Mimi na natatawa pa dahil sa sinabi.
BINABASA MO ANG
WITHIN
TerrorRow row row your boat, down the bloody stream. Brutally throttling, as your blood is falling, Revenge is my loudest scream. Make sure that everybody is rowing and not drilling holes when you aren't looking ... From all the evil that surrounds me, de...