XXI. CASE #79

301 14 0
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!


Maaga akong nagising dahil sa tahol at pangungulit ni Maxie sa akin. Inakap ko siya ng mahigpit pero pilit itong kumakawala sa mga bisig ko at patuloy ang pagdila sa mukha ko. Natatawa akong dumilat at nilaro si Maxie na mataas ang energy.

Bumangon na ako at nagbihis para makatakbo kami ni Maxie.

We go for a walk and jog. Naglaro din kami sa park bago ko siya inuwi para makapag umagahan. Dumaan muna ako sa gym na mayroon ang village at doon nagpapawis.

It's already 9 am nang kulitin ako sa tawag ni Marcus. Ngayong umaga kasi ay pupuntahan namin si Francis para dalawin.

"I'll be there before 10. Tinawagan ko si Tops, magdadala daw siya ng sasakyan. Sa kaniya ko na pinasabay si Omar at Harold" sabi ni Marcus nang sagutin ko ang tawag niya matapos kong maligo.

"Alright, be safe!" sabi ko dito bago pinatay na ang tawag.

Pinagpatuloy ko ang pagpapatuyo ng buhok ko at nagbihis na ng simpleng white button-down shirt and I tuck it in with my fitted jeans. Isinuot ko na ang white sneakers ko bago muling pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin.

Lumabas na ako habang nakasunod sa akin si Maxie na sobra sobra na naman ang energy. Pumasok na muna ako saglit sa Music room at naupo sa Yamaha G2 (Pearl White) Grand Piano ko na niregalo ng late grandfather ko na inuwi pa namin dito sa Pilipinas galing Russia.

Napangiti ako at nagsimulang tugtugin ang paborito niyang tugtugin dahil kay Mommy Lola. Sabi kasi ni Daddy Lolo, ang kantang Row Row Row your boat daw ang naging dahilan ng pagkakakilala nila ni Mommy Lola. My late grandmother was a member of the music club in their School. Naglalakad si Daddy Lolo patungo sa gym para sa training for basketball nang mapadaan siya sa Music room at mahinto dahil sa pagkanta ni Mommy Lola.

Bukod daw kasi doon, itong kanta na ito ang nakakapagpatulog kay Mommy noong baby pa lang ito.

Napatigil ako nang marinig ang malalakas na tahol ni Maxie na nasa likod ko lang.

"What, baby? Come here, I'll play your favorite song" malambing na sabi ko dito. Pero patuloy pa din ito sa pagtahol sa gawi ko.

"Hey" sabi ko dito at tumayo na para lumapit dito.

"Anak? Andito na si Marcus" narinig kong sigaw ni Manang kasabay ng malakas na katok sa pintuan ng music room.

Lumapit na din ako kay Maxie na patuloy pa din ang pagtahol kaya kinilik ko na lang ito at inilabas na. Bumaba ako at naabutan si Marcus na kausap si Mommy sa Living room.

"Sweety, bakit mo binuhat si Maxie, you're wearing white!" sabi ni Mommy na tumayo na at sinalubong ako sa pagbaba sa hagdan at inagaw na si Maxie sa pagkakakilik ko.

"Ate Norie, paki-prepare nga po ng fruit smoothie si Maxie, stress po ata" bilin ko kay Ate Norie na papasok na sa kusina.

"Stress? Parang kanina lang eh ang taas ng energy niyan" nagtatakang tanong ni Ate.

"I don't know, ate. Sudden change of mood, I guess?" sabi ko at kumuha ng fitness bar na bigay ni Marcus. Hindi na kasi ako nakakain ng umagahan.

Nang makarating kami sa Parish ay naabutan na namin ang mga kasama namin na naghihintay sa kusina habang kinakain ang mga pagkain na ibinibigay ng mga tao para sa dalawag pari.

"Inubos na ni Tops 'yung cookies oh! Napaka imot!" narinig kong reklamo ni Kuya Kel habang inaagaw ang box of cookies kay Kuya Tops.

"Ikaw na nga Kuya ang kumain ng cupcakes eh. Nagbigay ka ba?" sagot naman ni Kuya Tops sa kaniya kaya natawa ang mga kasamahan namin sa bangayan nila.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon