XI. KUSINA

501 15 0
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!


Pumasok na kami sa simbahan at naabutan kong nag uusap na ang mga matatanda sa gawing riser samantalang abala naman ang mga bata sa paglilinis ng simbahan at ang iba ay nagbabasa ng script para sa Panunuluyan.

Kinuha ko ang microphone at kinuha ang attention ng lahat.

"Everyone? Can you all stop to your businesses and sit in the riser, please. We need to practice Christmas songs with CK and his guitar. Aside from whole Santa Lucia, sasamahan natin sila Kuya Kel mag Caroling sa katabing bayan so we need to start early as soon sa possible. After mass, we need to start ASAP" sabi ko na agad naman nilang sinunod.

Pinanlakihan ko ng mga mata ang mga matatanda na abala pa din sa pakikinig sa mga kuwento ni Alexis. Agad agad naman nilang nakuha ang nais kong iparating kaya mabilis silang bumaba sa riser at lumipat naman sa mga upuan para sa mga taong nais magsimba.

Napailing na lang ako at napabaling sa maiingay na Tinig at Munti na nagsisiksikan sa Riser at sa mga monoblock na nakalagay sa gilid ng riser.

"Shh! Ano na nga ang bilin ko sa inyo kapag nakaupo na sa riser?" tanong ko sa kanila.

Tumahimik naman agad sila at attentive nang tumingin sa akin.

"CK, can you lead them please" baling ko kay CK.

Nakangiting lumingon naman ito sa akin bago tumayo at inayos ang acoustic guitar niya. Tumayo na din si Omar at umupo na sa percussion cajon box niya.

"Nag prepare na ako ng mga hard copies ng mga kakantahin natin. Ano po ba ang mga kailangan naming malaman para sa mga kakantahin, Ate Selene?" tanong ni CK sa akin.

"As much as possible, hindi sana mauulit ang mga kanta na kinanta na natin sa kalapit na bahay para hindi tayo paulit ulit. Ilan lang naman ang binigyan namin ng sobre kaya hindi kayo mauubusan ng kanta. And 3 to 5 Christmas songs every houses is enough" paliwanag ko sa kanila.

"Okay po. Silent night muna tayo guys. Basta pakinggan niyo lang mabuti 'yung tugtog ko tsaka 'yung beat ni Omar para hindi tayo magulo. Tsaka tandaan niyo din mga intro ko sa bawat kanta para alam niyo kung saan kayo papasok" sabi ni CK sa kanila.

Nagsimula nang mag practice ang lahat habang nakabantay ako sa kanila. Nakita ko din na abala na ang mga matatanda sa pag gugunting ng mga cardboard para sa mga bahay na gagawin.

5 pm na nang matapos ang practice at nagsimula na din magligpit ang mga matatanda ng mga gamit dahil isa isa nang nagdadatingan ang mga tao para sa misa.

Pamaya maya pa ay dumating na si Fr. Lez na mukhang hindi na problemado kagaya kanina. Maaliwalas na ang mukha niya kaya natuwa din ako. I don't want to see someone's problematic and sad faces, nahahawa din kasi ako at pakiramdam ko ay nararamdaman ko din ang kung anong nagpapalungkot sa kanila.

Lumapit muna siya samin para sabihin na mamadaliin niya ang misa sa pamamagitan ng hindi pagkanta sa ibang mga kanta dahil alam daw niya na may Caroling pa kami na hinahabol. Ipinagpasalamat naman namin 'yon dahil malaking tulong ito sa amin para hindi kami gaano gabihin.

Homily na nang mapansin ko ang pagtayo ni Lene na nakaupo sa bandang itaas ng riser. Nakita ko din ang paglingon ni Fr. Lez sa kaniya pero nagtuloy tuloy lang palabas si Tarlene na parang okay lang ang ginawa niya.

Nainis ako dahil bukod sa nakuha niya ang attention ng ibang nagsisimba at ni Pads ay alam kong kabastusan iyon sa Diyos. Imagine? Kung kailan Homily tsaka siya lalabas? Ano ba naman 'yung hintayin na lang niya matapos ang misa bago lumabas. But I still gave her the benefit of the doubt.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon