XXV. CLANG I

283 16 3
                                    

CLANG (5 years ago)
PART I

"Clang! Nasan ka na ba? Aba, kanina pa kami dito ha!" reklamo ni Anthony, bestfriend ko na kasamahan ko din sa Ministry.

"Eto na nga, on the way na!" sagot ko sa kaniya.

"Alam mo, 'yang on the way mo eh alam ko na 'yan. Maliligo ka pa lang niyan!" sagot naman nito sa akin.

"Ewan ko sayo, ibababa ko na ang tawag. Papunta na nga!" sabi ko naman.

"Ewan ko din sayo!" sabi nito at agad na ibinaba ang tawag.

Napailing na lang ako dahil sa kasungitan ng kaibigan ko.

"Inay, punta na po ako sa simbahan!" sigaw ko habang papalabas na ng bahay.

"Oo anak, ingat ka!" sigaw nito galing sa likurang bahagi ng bahay. Busy na naman ata sa mga halaman niya.

"Manong, sa Santa Lucia chapel po" sabi ko nang makasakay ako tricycle.

It's almost 10 am in the morning at late na ako ng halos isang oras sa calltime!

"Sorry! Na-late ako ng gising" pagpapaumanhin ko sa mga kasamahan ko sa ministry na masama na ang mga tingin sa akin.

"Leader, pero laging late!" masungit na sabi sa akin ni Anthony.

"Sa true! Malapit na kita sabunutan, Clang!" sabi naman ni Joji.

"Malapit nang sabunutan? Oh eto" sabay lapit ni Owela at hinila ang buhok ko na nakatali.

"Araaay!" sigaw ko at hinabol siya ng kurot.

"Hoy, may bagong lipat diyan malapit sa simbahan. Puwede natin isali sa ministry!" sabi ni Michelle na kakapasok lang din sa simbahan at halos kasunod ko lang.

"Ewan ko sayo, isa ka pa!" sabi naman ni Anthony na masama na ang tingin sa aming dalawa ni Michelle.

"Start na nga sa meeting, ang iinit ng mga ulo niyo" natatawang sabi ko sa kanila.

"Paanong hindi iinit ulo namin eh kanina pa kami naghihintay dito!" sabat naman ni Reese.

"Oh eto na nga, treat ko na lang kayo mamaya!" sabi ko kaya mabilis napalitan ang mood nila.

"Paano na balak natin? Malapit na ang Fiesta pero kakaonti lang ang mga kabataan natin ngayon. Alam niyo naman na dinadayo ang Pista ni Santa Lucia. Kaya ba natin iyon? Eh oras oras may misa hanggang 8 pm. Iba iba pa ang mga Pari kaya kailangan may aasikaso doon. Sa atin inasa ng BPC 'to" problemadong sabi ko.

"About choir, kakausapin ko ang iba't ibang choir sa Parish tsaka sa mga katabi na Barangay para hindi tayo maghapon ang kakanta. Nakakapagod iyon" sabi naman ni Anthony, siya ang choir head namin dito sa Santa Lucia.

"Tinawagan ko na din si Kuya A kung puwedeng humingi ng tulong" sabi ko naman.

"Why not mag ikot ikot tayo, baka sakaling may madagdag sa atin?" suggestion ni Owela.

"Puwede nga hano" sabi naman ni Reese.

Kaya nang maghapon ay agad din kaming nag-ikot sa buong Barangay.

Nakakagulat na sa buong hapon ay madami ang nais sumali sa grupo. Dumaan ang mga araw at mas lalo kaming dumami.

"Kamusta 'yung mga sobre, Mandy?" tanong ko kay Mandy, isa sa mga bagong sali sa Ministry.

Hindi naging mahirap as amin ang turuan sila sa pagpapalakad ng Ministry at ng misa bilang isang kabataan ng simbahan. At mas lalong hindi naging mahirap sa amin ang makisama sa bawat isa dahil halos lahat ay bukas ang mga bisig para sa isa't isa.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon