XIII. TULONG

439 17 2
                                    

Nang makarating kami sa bahay ay agad agad ko nang pinatulog ang mga kaibigan ko. Hinayaan ko na magkasama sama kami sa iisang kuwarto dahil hindi pa din kumakalma ang lahat dahil sa mga nangyari.

Sa tagal namin sa Minstry, sa daming beses na halos sa simbahan na kami matulog, at sa ilang taon namin na sa loob ng simbahan na kami inuumaga ay ngayon lang nangyari sa amin ito kaya naiintindihan ko sila.

Maaaring hindi na bago kay Ate Pauie at Kuya Tops ito, pero ang ganito kagrabe ay bago sa kanila.

Imbis na matulog ako ay hindi ko magawa kaya bumaba na lang muna ako. Napansin ko din ang pagsunod sa akin ni Marcus na kanina pa nakatitig sa akin.

"You need sleep. Maaga pa tayo mamaya" pigil niya sa akin.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama namin na mahimbing nang natutulog. Napangiti ako dahil narinig ko pa ang hilik ng dalawang makulit na sacristan. Mabuti at nakatulog sila sa gitna ng takot.

"I can't sleep" sabi ko dito.

"Tara" sabi ni Marcus at kinuha ang gitara ko na nasa gilid ng TV sa living room.

Hinatak niya muna ako sa kusina. Nagulat ako sa marahang pagbuhat niya sa akin para maiupo ako sa high chair ng mini bar namin sa kusina.

Nagtimpla siya ng gatas at ibinaba niya muna bago niya ako marahan ulit na binuhat para makababa na mula sa pagkakaupo bago niya iniabot sa akin ang gatas.

"Veranda tayo" sabi niya at hinatak na niya ako patungo sa Veranda ng isang guest room na madalas tulugan ng mga Sacristan pag dito sila natutulog.

Walang tao doon dahil lahat kami ay nagstay sa kuwarto na madalas tulugan ng mga kaibigan ko.

Umupo kami sa upuan na naroon. Pumwesto siya sa likuran ko at nagulat ako sa pagkakaakap niya sa akin sa likuran. Hindi na ako nakaalis dahil ipinuwesto niya ang gitara niya sa harapan namin, locking me with him in his arms.

Nagsimula siyang magstrum ng gitara. Tumaas ang balahibo ko dahil sa lamig ng boses niya na bumalot sa katahimikan ng buong paligid.

"Please hear me out, my friend

I've something to say that's from within

It's our last memory

Try to think back I'll help you see

All of those nights we shared

All of those days you are there

Huminto siya saglit at napansin ko ang medyo panginginig ng boses niya. Gusto ko siyang lingunin pero hindi ko ginawa dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko dahil sa pagkakaakap niya.

Hinalikan niya ang sintido ko bago nagpatuloy sa pagkanta.

"I just wanna love you forevermore

And I wanna hold you just like before

And maybe someday, we might just find a way

And we can love forevermore" napapaos niyang kinanta ang dulong linya kaya marahan kong hinaplos ang kaliwang braso niya sa gilid ko.

"If I could turn back time

I would have never let you go

And you would still be mine

But here I am crying all alone

All of love we've shared

All of time you are there?" pagpapatuloy niya at dahan dahang ipinatong ang mukha niya sa kanang balikat ko.

Dahan dahan niyang ibinaba ang gitara at patuloy na ikinulong na ako sa mga bisig niya. Akala ko ay tapos na siya pero patuloy ang pagkanta niya kahit wala na sa kamay niya ang gitara.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon