XVI. ITIM NA PARU-PARO

325 14 2
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!



Maaga pa lang nang umuwi ang mga kaibigan ko dahil kailangan na daw labhan ang mga damit para mapatuyo at ma-plantsa na din. I wanted to help but my Mom asked me not to since we are going to a party this evening.

"Tatiana, sweety? We are going to the spa, gumayak ka na" iyan ang sabi ni Mommy pagkaalis ng mga kaibigan ko.

Pinapatuyo ko na lang ang buhok ko bago ako magbihis. Napansin ko ang malakas na paghangin ng kurtina mula sa salamin. Lumingon na ako at napansin na bukas na naman ang bintana ko.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Hindi ko ito binubuksan at alam ko din na alam ng mga kasambahay namin na ayoko itong bukas. Nawala na din sa isip ko na itanong ito kay Manang.

Narinig ko na ang pagkatok ni Mommy sa pintuan ko kaya nagmadali na akong magbihis. Her time is important that even every second of her time ay ayaw niyang nasasayang.

I just wore a lazy white halterneck jumpsuit dress and a white espadrille sandals. I let my hair down dahil gusto din magpunta sa Salon ni Mommy to get our hair's done. I also put a light make up dahil baka pagalitan ako ni Mommy dahil lalabas ako with my bare face even though I usually go out without putting any make up when she's not around.

Bumaba na ako at naabutan silang naka upo na sa Dining room. But since I'm on Intermittent fasting, kumuha lang ako ng tea and salad for breakfast.

Hindi naman din ito pinansin ni Mommy dahil alam niyang may incoming shoot ako, but knowing Daddy,

"Selene Tatiana, are you not going to eat? It is breakfast, and it is the right time of the day to have a proper meal. Salad and tea is not enough. I don't care about your photoshoots, just eat a proper meal. Look at you, ang payat payat mo!" sabi ni Daddy.

Ayan na, kapag nabuo na ang pangalan ko, I know he is already mad. Tumingin ako kay Mommy para sana humingi ng tulong, pero alam kong walang magagawa si Mommy. Kaya imbis na galawin ang salad, kumuha na lang ako ng rice.

My goodness! I really need to start going to the gym lalo't andito si Daddy.

Pagkatapos kumain ay iginayak ko na din si Maxie habang gumagayak si Daddy. Mom is busy checking her jewelries in the living room. Kanina pa siya namimili ng isusuot niya mamaya.

Umalis na din kami pagkagayak ni Daddy dahil sasama daw siya sa amin at minsan lang daw siya magka free time.

We spent the whole morning in spa and salon then we stopped by our favorite restaurant for lunch. Maxie really enjoyed the plain pasta and boiled chicken kaya tulog na tulog ngayon sa sasakyan.

Gusto pa sana mamili ni Mommy ng mga damit and shoes kaso inaantok na din si Maxie and hapon na din at kailangan na naming maghanda para sa party.

Dumating na kami sa bahay at nadatnan na namin doon si Tita Flore with the gowns as well as our Family's trusted make up artists.

Naligo ako bago pumasok sa make up room ni Mommy na pinagawa niya sa tabi ng kuwarto nila ni Daddy. Nakaupo na siya at nagsisimula nang ayusan. Umupo na din ako sa isang makeup vanity na katapat lang din ni Mommy.

"Your Tita Eneri and Tito Marco will be there with Macky, so be good" napamulat ako sa sinabi ni Mommy at gulat na bumaling sa kaniya.

"Macky, Mom?" tanong ko.

"Macky, your childhood sweetheart" natatawang sabi ni Mommy na idinilat ang isang mata para tignan ako sa reflection ng salamin niya.

Hindi na ako nagsalita dahil sa kaba. The last time I've seen him is when we are still in Grade 4 and I don't know what to feel about meeting him again. Kakaisip ay hindi ko na napansin ang takbo ng oras at kailangan na naming magbihis.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon