TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!
Binuksan ni Fr. Lez ang laptop niya at ang projector. Umubo muna siya bago niya pinindot ang isang powerpoint na may logo ng Organinsasyon nila.
"Pinatawag ko kayo dahil alam ko na kayo ang makakatulong sa amin ni Fr. Ariel. 5 years ago, isang makapangyarihan na miyembro ng isang Satanic Group ang napadpad dito sa Santa Lucia but they are originally from Mindoro" sabi ni Fr. Lez bago nagpakita ng isang larawan sa PPT.
"This is Maria, siya ang nagsisilbing leader ng grupo at ang siyang nanggulo sa Santa Lucia noon. Bigla silang nawala nang harapin namin sila. Akala namin ay mawawala na sila nang tuluyan, pero may nakapagbalita sa amin na andito ulit sila" pagpapatuloy ni Fr. Lez.
Tinitigan ko ang isang lumang litrato ng isang babae na pamilyar sa akin. Parang nakita ko na siya pero hindi ko alam kung saan.
"Mahal, tinatawag ka ni Tito. Are you okay?" tanong ni Marcus na nakapagpabalik sa akin sa realidad. Masyadong umikot ang isip ko sa litrato.
"Pads, ano po ulit 'yon? Sorry po, she seems so familiar" tanong ko at nakita ko na nagkatinginan pa si Fr. Lez at Fr. Ariel.
"Can you show us the CCTV you got sa Santa Lucia?" tanong ni Pads kaya mabilis ko itong ipinasa sa laptop niya para mapanood ng lahat. Pinatayo din ako ni Pads para maipaliwanag sa kanila ang nangyari.
"Kakatapos ng Caroling that time, nangyari po 'yan bago kami nagpunta dito sa Parish para sumama sa Caroling kila Mayor. Inihatid nila Marcus ang mga Tinig na hindi namin isinama sa Parish dahil gabi na. Kasalukuyan kaming nagk-kuwentuhan sa kitchen nang bigla na lang mamatay ang ilaw. Kasunod noon ay ang pagkabasag ng mga plato at baso. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang bagay na 'yon dahil unang una, nakaupo kaming lahat sa dining area at malayo sa lababo na pinaglalagyan ng mga plato at baso. Pangalawa, hindi po kami gumamit ng mga plato dahil mga naka styro na ang pagkain namin. At pangatlo, nang pinalitan namin ang ilaw pagdating nila Marcus ay nakita namin na maayos naman na nakasarado ang lalagyan ng mga plato at baso kaya imposible na nadanggis lang ito ng kahit ano" pagpapaliwanag ko.
Tinignan ko sila Kuya Kel na nakakunot na ang noo at sila Harold na nakahawak na sa sintido nila.
"Hindi na namin pinansin kasi akala po namin ay wala lang. Kaya tuloy pa din kami sa plano na sumama sa Caroling ng Parish at pag tapos ng mga props para sa panunuluyan at doon na sa office ng simbahan matulog. Pero iyon ang akala namin, hindi namin alam na may mas matindi pa pala sa naranasan namin" sabi ko sa kanila.
"Madaling araw na nang matapos kami sa mga pakpak ng mga angels kaya pinauwi muna ako ni Marcus para sana magbihis na ng pantulog at para makakuha na din ng mga damit para sa mga kaibigan ko na naka pants pa" sabi ko.
Pinindot ko ang video na ipinasa ko at ipinlay ito sa harapan nila.
"Kuha ito after magbihis ng mga kaibigan ko. Lahat kami nasa labas since we are working with paints. Kung mapapansin niyo, walang naiwan sa loob ng simbahan. Habang naguusap usap po kami, bigla ko na lang naramdaman 'yung kakaibang hangin. As you can see, hinangin din itong tela na nakatakip sa piano" turo ko sa video.
"Mga ilang minuto, eto na ang nangyari" sabi ko sabay play ulit ng video kung saan gumalaw ang mga upuan at ang pagtugtog ng lumang piano.
Nagulat ang lahat dahil sa malakas na pagkakalaglag ng cellphone ni Harold kaya napatingin kami sa kaniya. Nagtaas siya ng kamay, as a sign na gusto niya magsalita. Tinawag siya ni Pads Lez kaya tumayo siya at nagsalita.
BINABASA MO ANG
WITHIN
HororRow row row your boat, down the bloody stream. Brutally throttling, as your blood is falling, Revenge is my loudest scream. Make sure that everybody is rowing and not drilling holes when you aren't looking ... From all the evil that surrounds me, de...