XXXIV. TAIZE

259 13 0
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!


"Kuya Tops" nagaalalang tanong ko sa kaniya.

Umiling lang siya sa akin bago punasan ang luha na tumulo sa mga mata niya,

Nagaalalang lumapit sa amin si Kuya Kel at Ate Mandy.

"Ano ba ang nangyari?" tanong agad ni Kuya Kel.

Sasagot pa lang sana si Kuya Tops pero bigla na lang tumakbo si Ate Mandy palabas ng gym nang walang pasabi.

Pinabalik na kami ni Kuya A sa mga grupo namin. Maging si Kuya Tops ay bumalik na din pero napansin ko ang kakaibang pananahimik niya.

Nagsimula ang team building nang mas maaga kumpara sa napagusapan na oras dahil nagdagdag pa kami ng station dahil sa dami ng delegates.

Nakasunod lang kami sa grupo nila Kuya Tops kaya nakikita ko ang bawat galaw niya. Habang nakasunod naman sa amin ang grupo nila Marcus.

"Hoy, Daryll! Bilisan mo naman, napakalampa mo boi!" narinig ko pa na sigaw ni Francis na nasa katapat lang ng station namin.

Napatingin tuloy kami sa kanila at nakita si Daryll na hirap na hirap na gumagapang sa ilalim ng mababang spider web.

"Oh boi, walang iyakan ano ba!" narinig ko naman na sigaw ni Kevin na tawang tawa na.

"Sige! I-bully niyo ako. Hindi talaga ako gagalaw dito!" nagtatampo na sabi ni Daryll na hindi na nga gumalaw at dumapa na sa lupa.

Agad naman siyang pinalo ng marahan ni Marcus na natatawa na din dahil sa pagiging childish ng mga Altar servers na kasama niya.

"Gapang na, nasa gitna ka pa lang" utos ni Marcus na napatingin na din sa gawi namin.

Kumaway siya sa akin and mouthed 'I love you'. I answered him with a smile and turn my attention to my group.

Hindi kasi kami puwede sumali sa grupo namin. We are there for guidance but sariling diskarte nila ang kailangan.

Kasalukuyan na nasa 'The thread and Ball' kami kaya napapansin ko na ang maikling pasensya ng ibang member sa grupo ko.

And I am here, giving them sermons and guidance dahil nakailang balik na din sila.

Nakuha namin ang attention ng iba dahil sa sigawan ng mga member ko since natapos na kami sa station na 'yon. And so far, kami daw ang pinakamabilis sa station na iyon sabi ni Anne na siyang nagbabantay doon.

Hindi pa tapos sila Kuya Tops kaya naghintay na muna kami. Pinansin ko ang mga kilos ni Kuya Tops.

So far, mukha naman siyang walang iniisip at focus lang sa pagg-guide sa grupo niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

*wind blows*

Napaakap ako sa sarili ko nang biglang humangin ng malakas. Pamilyar.

Pamilyar ang hangin na dumapo sa mga balat ko. Nagsitaasan ang balahibo ko sa bandang leeg kaya napahawak ako doon.

Inilibot ko ang paningin ko ay napansin ko din ang paglinga ni Kuya Tops at ni Harold na kagrupo niya. Nagkatinginan kaming tatlo na parang nagkakaintindihan gamit lang ang mga mata.

Magsasalita pa sana si Harold pero nagsalita na ang isa nilang kagrupo na kailangan na nilang lumipat sa next station.

Tumango na lang ako sa dalawa bago sila lumipat.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon