XXXV. FREE

303 12 0
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!


Lumapit si Fr. Ariel kasama si Marcus at Kuya Kel kila Fr. Lez na pilit tinatakpan ang bibig ni Alexis.

Lumapit na din kami ni Ate Dons kasama si Kuya A na mukhang nalilito sa mga nangyayari.

Napasigaw si Fr. Lez nang kagatin ni Alexis ang kamay niya. Agad na inabot ni Marcus ang exorcism oil kay Fr. Lez na agad naman niyang ginamit sa nagdurugo na kamay niya.

Tumawa si Alexis at nagpatuloy sa chant habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Harold at Omar. Lumapit na din si Kuya Tops at Kuya Kel para hawakan naman si Alexis sa paa.

Nagsimula na sa paglalabas ng gamit ang dalawang Pari.

Fr. Lez was about to put a cross to Alexis na nakatitig at nakangiti sa bandang kaliwa, nang bigla kaming may marinig na sumisigaw mula sa gilid namin.

There I saw one delegate na nasa gilid ng stage at nakasilip pala sa ginagawa namin.

Agad kaming lumapit ni Marcus kasama si Ate Dons sa delegate na sumigaw.

Hahawakan na sana namin siya nang magsimula siyang gumapang ng mabilis palayo sa amin. Napasigaw na ang ilang delegates na nakakita.

Nakita ko pa ang pagtalon ni Ate Pauie sa kinatatayuan niya at tumakbo na para umakap kay Kuya DJ.

Nakapikit na din habang magkaakap si Daryll at Francis. Nakaramdam naman ako ng inis nang madaanan ng paningin ko si Hiro na malawak ang ngiti na akala mo nanonood lang ng isang nakakatuwang palabas.

Pamaya maya ay may sumigaw na naman kaya napabalik ako sa pag iisip kung ano ang dapat unahin at gawin sa oras na iyon kaya agad kaming lumapit na at hinabol ang lalaking delegate na gumapang na nang tuluyan sa kumpulan ng mga kabataan.

Hawak na ngayon nila Sister ang isa habang ang isa naman ay nagpapatuloy sa paggapang ng mabilis.

"Everyone! Please, huwag niyong titignan ang mata nila. Just close your eyes and continue to pray!" sigaw ni Marcus.

Lumapit naman ako kila Sister at napansin ang sobrang pula na mata ng delegate na hawak nila.

"Sister, pakitakpan po ang mata. Kukuhanin lang din namin ang isa" sabi ko habang malakas pa din ang sigaw ng babaeng delegate gamit ang malalim na boses.

Tumakbo na kami ni Ate Dons kasama si Marcus para habulin ang isang lalaki na delegate na patuloy sa paggapang nang mabilis.

Aabutin na sana ito ni Marcus pero agad itong gumapang sa pader na siyang nakaani ng iilang sigaw galing sa ibang delegates.

Ginawan ng paraan ni Marcus para makuha ang lalaki at mabilis na hinatak pababa sa sahig. Nang nakababa ito ay tumulong na kami ni Ate Dons sa paghawak dahil sobrang lakas nito.

Nang maidala na ang lahat sa stage ay napansin ko na lima pala sila bukod kay Alexis na nakatali na ngayon.

Agad na pinalabas ni Fr. Ariel ang lahat kasama ang tatlong madre at Kuya A para magtungo na sa Simbahan para magdasal at para wala nang madamay na ibang delegates pa.

Bumalik din agad si Fr. Ariel kasama ang apat pa na Madre at lumapit sa amin.

Nagkaniya kaniyang hawak ang TSC sa limang delegates na isa isa namang tinatali nila Fr. Lez at Fr. Ariel. Tumulong na din ang apat na Madre sa paghawak sa lima.

Nagsimula kami sa isang babae na delegate. She spoke in multiple voices: One was deep, guttural and masculine; another was high-pitched; a third spouted only Latin.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon