TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!
Nagising ako dahil sa malakas na tahol at pagtalon ni Maxie sa higaan ko. Dahil sa nangyari kagabi ay kinuha ko mula sa kuwarto nila Mommy at Daddy si Maxie. Doon kasi nila pinatulog dahil na-miss daw ito ni Daddy.
"Good morning, baby boy!" bati ko dito at inakap siya ng mahigpit. Binuhat ko na si Maxie papunta sa CR para makapag toothbrush na din siya.
Napansin ko na medyo madilim pa pala kaya tinignan ko ang wallclock sa kuwarto ko. It's 5:45 pa lang so I decided to do a morning jog with my fur baby.
Naabutan ko na naglilinis na si Ate Norie kaya isinama ko na siya para may mag uuwi kay Maxie kapag napagod na ito. Kailangan ko din kasing tumakbo talaga para maganda ang form ng legs ko for the photoshoot.
Nagsimula na akong tumakbo at sinabayan na muna ang mabagal na pagtakbo ni Maxie. Mamaya na siguro ako tatakbo talaga kapag nasa play ground na si Maxie.
Nang makarating kami sa play ground ay may mga iilan nang bata na naglalaro pero mas madami pa din ang mga tao na kasama ang mga fur babies nila.
Iniwan ko na si Maxie doon kasama si Ate Norie at nagsumula nang tumakbo ng mabilis. Inubos ko ang mahigit isang oras na pagtakbo sa buong village. Tumigil lang ako nang tuluyan na sumikat ang araw.
Hindi ko na naabutan 'yung dalawa sa play ground kaya umuwi na din agad ako. Sinalubong agad ako ni Maxie na maliksing tumatakbo na may bola sa bibig. Narinig ko pa ang boses ni Daddy na tinatawag ito at mukhang naglalaro silang dalawa.
Mabilis namang tumakbo palikod si Maxie at iniwan na ako doon sa gate. Natatawang pumasok naman ako sa bahay at naabutan si Mommy na nagb-bake sa kitchen.
Humalik muna ako sa kaniya at tinignan ang ginagawa niyang cake and cupcakes para daw sa anak ni Kuya Jorj na may birthday ngayon.
Umakyat na ako sa kuwarto ko para makaligo na dahil sa pawis ko. Tinawagan ko din si Alexis para maisama sana sa gym kaso ay may sarili din siyang lakad kasama si Tita.
Habang nagpapatuyo ng buhok ay tumunog ang cellphone ko. Nilingon ko ito at napansin na si Hiro ang nasa ID caller kaya sinagot ko ito. Pero kasasagot ko pa lang ay nag-appear na tumatawag din si Marcus. Napairap na lang ako sa kawalan dahil hanggang ngayon ay naiinis pa din ako sa kaniya sa paglilihim niya.
"Selene? Do you have any plans today, like sa simbahan?" tanong ni Hiro sa kabilang linya.
"Uh, gym lang. It's our rest day today sa chapel. Medyo nakakapagod 'yung mga nagdaang araw. Why?" tanong ko.
"I'm planning to ask you out for lunch or dinner sana after mass, pa-thank you ko lang sa kagabi. But if you are going to the gym, can I join you?"
"You don't have to ask me out para mag thank you. Kaibigan ko din si Francis kaya ginawa ko talaga 'yon dahil nagaalala din ako sa kaniya"
"No, I insist. Gusto din kasi talaga kitang ayain na lumabas ngayon"
I chuckled a little "Ikaw ah, ginawa mo pang reason 'yung pagpunta ko kagabi, gusto mo lang yata ako ayain for a date eh".
"Kind of?" He also chuckled with his deep baritone voice, "So, saan ang gym mo? Sunduin na lang kita".
"Sa Sniper gym ako, you sure?"
"Yep, be there in 30 minutes" sagot niya.
"Okay?" natawa ako dahil sa boses niyang parang excited.
BINABASA MO ANG
WITHIN
HorrorRow row row your boat, down the bloody stream. Brutally throttling, as your blood is falling, Revenge is my loudest scream. Make sure that everybody is rowing and not drilling holes when you aren't looking ... From all the evil that surrounds me, de...