CLANG (5 years ago)
PART IIDahil sa napagusapan namin ni Anthony, mas naging observant ako sa paligid ko.
Ngayon ang casting para sa Panunuluyan kaya maaga ulit ako ngayon para magasikaso ng mga props. Naisipan kong maglakad na lang ulit, baka sakaling maabutan ko na naman 'yung dalawang babae na nakita namin ni Anthony sa harap ng bahay nila Don Hidalgo.
It's Friday kaya may posibilidad na maabutan ko silang muli dahil ayon sa Lolo ni Anthony, mas malakas ang kapangyarihan nila sa araw ng Huwebes, Biyernes, at Sabado. Dahil ayon sa pagaaral ng mga eksperto sa timeline ng Bibliya, ang tatlong araw na iyan ang araw kung saan naghirap at namatay si Kristo.
Tama nga ang hinala ko. Naabutan kong muli ang dalawa sa gilid ng bahay ng mga Quinn-Smith. Dahan dahan akong lumapit para marinig ang mga sinasabi nila. Pero katulad kahapon, hindi ko ulit ito maintindihan dahil sa ibang lengguwahe ang mga gamit nila.
Nahagip muli ng mga mata ko ang bracelet na suot ng isa sa dalawang babae. Tinitigan ko iyon ngunit dahil sa dilim ng paligid, hindi ko masyado maaninag ang nakaukit dito.
Nagmadali na akong pumunta sa simbahan at katulad kahapon, maaga din nagpunta si Vanie. Nagtataka at naghihinala man, hindi ako nagpahalata dito.
Nagsimula na kaming gumawa ng mga pakpak para sa angels nang dumating na din si Anthony kasama si Mandy.
"Paano kung gawin nating main casts 'yung dalawa, tingin mo?" bulong ni Anthony sa akin nang lumabas si Mandy at Vanie para magluto sa kitchen.
Napatingin ako sa kaniya na nakakunot ang noo dahil sa pagtataka.
"What!? Titignan nga natin kung tama ang hinala natin sa dalawa!" maarteng sabi nito sa akin.
"Alright" sagot ko dahil tama siya, takot ang ano mang alagad ng demonyo kay Maria. At alam ko na kung totoo man ang hinala namin, tatanggihan nila ito agad.
"So paano, casting na?" tanong ko sa lahat nang makumpleto na kami.
Nagsimula na ang casting para sa ibang roles. Dumating din sila Kuya A kasama sila Kel para dumalaw.
"Kailan kaya uuwi sila Lawrence? Gustong gusto talaga namin kuhanin 'yung kapatid niyang si Selene para sa Maria sa Parish! Sobrang ganda, sobrang amo ng mukha, tsaka sobrang lambing ng boses! Nakausap ko---" sabi ni Kuya A pero hindi na niya natapos ang dapat niyang sabihin nang may marinig kaming lagabog.
Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng tunog. It's Vanie.
"Girl, you okay?" tanong ni Kel dito.
"Ah, pasensya na po. Nadulas lang sa kamay ko 'yung box. L-Lawrence po? Quinn-Smith?" tanong ni Vanie nang makalapit sa gawi namin.
Nagkatinginan kami ni Anthony na nakakunot na din ang noo dahil sa tanong ni Vanie tungkol sa mga Quinn-Smith.
"Oo, kilala mo?" nakangiting tanong ni Kuya A.
"Ah, a-ano po, naririnig l-lang dahil sikat ang pangalan n-nila" nauutal na sagot ni Vanie dito. Hindi naman nakawala sa mga mata ko ang mahinang pagsiko ni Arlene dito.
Dahil sa mga nasaksihan ay mas lumakas ang kutob ko na may mali sa dalawa. Na maaaring si Vanie nga ang madalas na kasama ni Arlene sa harap ng bahay ng mga Quinn-Smith dahil sa pagtatanong niya matapos marinig ang pangalan nila Kuya Lawrence at dahil na din sa tono niya.
Pero sana nga, mali ang mga naiisip ko. Dahil kahit sa ilang buwan na nakasama ko ang dalawa, lalo si Vanie, mas naging malapit ako sa kanila. At kung sakali man na totoo, hindi ko man alam kung ano ang motibo nila sa pagsali nila sa ministry, sigurado akong masisira ang tiwala na binuo ko para sa kanila.
BINABASA MO ANG
WITHIN
HorrorRow row row your boat, down the bloody stream. Brutally throttling, as your blood is falling, Revenge is my loudest scream. Make sure that everybody is rowing and not drilling holes when you aren't looking ... From all the evil that surrounds me, de...