XIX. SIGIL OF BAPHOMET

322 14 0
                                    

Nagising ako dahil sa tawag ni Marcus. May usapan kasi kami na sasamahan niya ako na mag jogging ngayon. Ayaw daw kasi niya na nagl-limit ako sa pagkain kaya focus na lang daw sa exercise.

Kila Mommy natulog si Maxie kaya hindi ko na siya sinama sa akin dahil mukhang napuyat din kagabi.

Nang maihatid ako sa bahay ni Marcus ay naabutan pa namin sila Mommy at Daddy kasama sila Tita Eneri at Tito Marco na masayang nag uusap sa pool side kasama si Ninong Pads. Nag uusap sila tungkol sa business at maging tungkol sa amin ni Marcus.

Naging malinaw na din sa amin kagabi kung ano ang meron sa amin. Nakapagpaalam na siya kila Mommy at Daddy na manliligaw daw siya. Wala namang kaso kay Mommy, pero si Daddy, gusto niya na pag nag 18 na daw ako tsaka sana maging kami. Hindi pa daw siya ready na makita ako na may boyfriend.

"Hey beautiful, good morning!" malambing na bati ni Marcus na naghihintay sa labas ng bahay namin.

Lumapit siya sa akin at umakap. We stayed that way for about 5 minutes, I think.

"Let's go, malapit na sumikat araw oh" sabi ko sa kaniya at tinapik na siya sa balikat.

"Huwag na kaya tayo mag jogging? Cuddling with you would be perfect right now" he said using his deep morning voice.

"Ewan ko sayo" natatawang sabi ko at nagsimula nang tumakbo.

Marcus stayed in our house for breakfast kaya 7:25 na din ako nakadating sa simbahan para sa gift giving.

Sinalubong agad ako ng mga tanong ng mga kaibigan ko dahil nakita daw nila ang mga pictures na pinost ni Mommy sa facebook at instagram niya. Nakita din daw nila 'yung story ni Marcus kagabi na puro stolen shots ko sa restaurant niya.

"Asan na ba si Kendy at Tarlene" naiiritang sabi ni Alexis dahil sila na lang ang hinihintay namin para makapunta na din kami sa orphanage.

"Ang weird ni Michael" bulong ni Kuya Tops sa amin habang nakamasid sa loob ng simbahan.

Napalingon kami kay Michael na nakaupo sa upuan ng commentator at tumatawa. May hawak siyang bola at masama ang tingin sa krus na nasa Altar.

Mabilis tumakbo si Kuya Tops nang akmang ibabato ni Michael ang bola sa Krus sa Altar. Sinundan din namin siya at nakita namin si Michael na mukhang galit na galit.

"Ano ba nangyayari sayo, Michael!?" alarmang tanong ni Kuya Tops.

Nilingon lang kami ni Michael at nakita ko ang panlilisik ng mga mata niya pero agad din nawala at ngumiti sa amin.

Nagsimula siyang tumawa at humalakhak. Itinuro niya ang pintuan ng simbahan at nakita namin ang paglapit ni Kendy at Tarlene.

"Mas makapangyarihan pa din kayo sa kaniya, pero kailangan niyong mag ingat" sabi ni Michael habang tumatawa. Tumakbo na siya palabas kaya nagkatinginan kaming lahat.

"Kita niyo 'yon!? Grabe!" hindi makapaniwalang sabi ni Ose.

"Hayaan niyo na muna, tara na. Tinawagan ko na sila Sister Ella" sabi ko sa kanila.

Anim na Van ang dala namin dahil madami kami kasama na din ang mga gamit namin at mga regalo. Sinalubong agad kami nila Sister Ella sa gate pa lang ng orphanage.

"Pasok kayo!" magiliw na sabi ni Sister May sa amin. Nagsimula na mag ayos ang mga Tinig habang nakikipag usap sa amin sila Sister.

"Kamusta po kayo dito, Sister?" tanong ni Ose.

"Okay naman kami anak, medyo nakakapagod lang dahil sunod sunod na araw ng event dito" sagot ni Sister Ella.

"Oo nga po, Sister. Muntik na din po kami hindi tanggapin ng secretary niyo" sabi naman ni Mimi.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon