5:27 am nang magising ako at nakita na mahimbing pa ang tulog ng mga kaibigan ko. Lumabas na ako para makita kung nakapag handa na ba ng almusal sila Manang dahil mag s-serve pa sila Marcus by 8 am at kailangan nilang umalis nang maaga para makauwi pa at makapag handa.
"Manang, gising na po kayo?" sigaw ko habang pababa na sa hagdan namin. Usually, 6:30 am pa ang gising nila para makapagluto dahil ako lang naman madalas sa bahay at 8 am pa ang pasok ko. Maaga lang sila gumigising kapag may lakad sila Mommy at Daddy para sa business at kailangang umalis ng maaga.
Walang sumagot sa akin pero napansin ko na ang ilaw na galing sa kusina. Bumaba na ako at lumakad na palapit doon. Napansin ko agad ang magandang likod ni Marcus na nakatalikod sa lababo.
"Marcus?" tawag ko dito kaya napalingon siya sa gawi ko.
"Oh?" masungit na tanong niya bago ako inirapan at ibinalik ang mga mata sa lababo.
"Seriously? Hanggang ngayon, galit ka pa din sakin dahil don?" sabi ko bago siya nilapitan na para makita ang ginagawa niya.
Hindi siya sumagot at napansin ko na naghuhugas pala siya ng mga ginamit namin kagabi. Hindi na pala ito naharap hugasan dahil sa takot namin sa naging usapan.
"Hey, what are you doing. Bisita ka namin, kaya hindi mo dapat 'yan ginagawa. Ako na, Marcus" sabi ko sa kaniya bago ko siya tinulak. Pero dahil mas malaki siya sakin at mas malakas, hindi siya nagpatinag.
Sa gitna ng pagtutulak ko sa kaniya, hinarap niya ako at inirapan. Aba, problema neto?
"Hoy ano ba, talaga bang di mo ko papansinin?" tanong ko nang nakataas ang kilay sa kaniya.
"Oh ba't andito ka? Hintayin mo si Hiro mo sa gate, susunduin daw si Francis" sagot niya nang hindi nakatingin sa akin.
"Look, hindi ko alam kung ano ba ikinagagalit mo. Isn't it normal, 'yung humanga ka sa isang tao? Tsaka, why do you even care?" tanong ko habang nakapamewang.
"Tss, sabi mo noon hihintayin mo 'ko" sabi niya at tinalikuran na ako. Hindi ko namalayan na tapos na pala siya sa paghuhugas ng mga plato at baso.
"Wait, Marcus!" pigil ko sa kaniya.
"Ano bang problema ha?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko maintindihan ang inaasta niya towards me.
Bumuntong hininga siya at umakyat na sa kuwarto nila Kuya DJ. Napairap na lang ako at bumalik na sa kitchen para magsimulang magluto ng umagahan namin. Mukhang tulog pa din sila Manang, napuyat din ata sa amin kagabi.
I maybe live in a comfortable life with kasambahays with me growing up. But it doesn't mean, wala na kaming alam ni Kuya sa mga gawaing bahay. We may have someone to do that for us, pero hindi kami pinalaki nila Mommy at Daddy para dumepende sa kanila. Kapag may oras, tumutulong ako kila Manang magluto at maglinis ng bahay. Madalas din ako tumulong maglinis sa Resort namin at sa mga hotel na mayroon si Daddy sa Russia noon.
"Selene?" tawag ng isang boses mula sa living room. Pumunta ako doon at naabutan si Hiro na nakatayo sa pintuan namin na nakabihis na.
"Oh, Hiro, pasok ka. Ang aga mo, mag 6 am pa lang ah? Hindi ba 8am pa kayo?" tanong ko sa kaniya bago bumalik ulit sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto. Narinig ko naman ang pagsunod niya sa akin sa Kusina.
"Nagpapasundo kasi ng maaga sila Francis. Marunong ka magluto?" tanong ni Hiro gamit ang malalim na boses.
"Tulog pa ata sila—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa isang malalakas na yabag papunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
WITHIN
HorrorRow row row your boat, down the bloody stream. Brutally throttling, as your blood is falling, Revenge is my loudest scream. Make sure that everybody is rowing and not drilling holes when you aren't looking ... From all the evil that surrounds me, de...