XVIII. PERFECT CHRISTMAS

332 16 0
                                    

Bago ko pinagsimula sila Rodel at Mimi sa pagna-narrate ng play, pinagdasal ko na muna sila kasama ng mga tao. Nagkukulang na din kasi kami sa dasal, 'yun ang isang maaaring dahilan kung bakit ang dali naming lapitan.

Nang matapos ang dasal ay nagsimula na kami sa play. Naging maayos naman ito at hindi na muling nasira ang disk na sinaksak ko. Pero mukhang balisa si Erikson dahil kanina pa malikot ang mga mata niya.

Kinakabahan man ay ipinagpatuloy namin ang play. Mabuti na lang dahil sinasalo ni Lorraine ang ano mang lines na nakakalimutan ni Erikson. Nang matapos ang mga line ng mga Hari ay naupo na ako sa organ para tugtugan si Lorraine at ang mga little angels sa paligid ng sabsaban.

Sa kalagitnaan ng pagtugtog ko ay napatingin ako sa mga kumakanta sa harapan. Ibabalik ko na sana ang paningin ko sa note sheets sa harapan ko pero nahagip ng mata ko ang labas ng simbahan. Gawi kung saan nakatayo ang isang malaking puno ng acacia. 

Nakakita ako ng isang imahe na hindi ko maaninag ang mukha. Hindi ko sigurado kung tao ba ito o ano. Tinignan ko kung may anino, pero wala akong nakita.

"Selene" tawag ni Marcus na nasa likuran ko. Napabalik ako ng tingin sa music sheets na nasa harapan ko. Pinilig ko ang ulo ko para hindi na muna mag isip at mag focus sa play. 

Nagsimula na sa closing remarks si Rodel patungkol sa paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at San Jose sa Herusalem at pagsisilang kay Hesus sa isang sabsaban.

Lumapit na sa gawi ko sila Kuya Tops at Ate Pauie. Binilin ko na lang muna ang choir mamaya dahil tinatawagan na din ako nila Kuya Kel. Kami na lang daw kasi ni Marcus ang hinihintay ni Pads Billy para sa practice ngayong gabi.

"Kung ano man ang nasa isip mo ngayon, alisin mo muna. Free your mind" sabi ni Marcus nang mapansin na tulala ako sa biyahe. Alam ko na alam niya kung ano ang mga nasa isip ko tungkol sa nangyari kanina kaya tinanguan ko na lang siya.

"Can we stop by SB for a coffee?" tanong ko kay Marcus.

Napalingon siya sakin na nakakunot na ang noo.

"Hindi ka makakatulog, you need rest tonight. Alam kong pagod ka mula kanina tapos maaga pa tayo bukas. So, no" sabi niya na ikinabusangot ko.

"Stop pouting, woman" sabi ni Marcus na patingin tingin sa gawi ko habang nagmamanaho.

"Just keep your eyes on the road" sabi ko at inirapan na lang siya.

Nakarating na din kami sa Parish at naabutan namin ang mga Angels na pinapakanta ni Ninong Pads. Lumapit na muna kami sa kaniya para bumati.

"Kamusta ang Panunuluyan sa Santa Clara?" tanong sa akin ni Ninong Pads.

"Nagka-problem sa sounds bago magsimula, Ninong Pads. Pero naayos din naman tsaka successful naman po na na-portray ng mga casts ang roles nila" sabi ko.

"Good! Tayo naman bukas" sabi niya at binalingan na ang mga Angels sa harapan niya.

"Ayon, magkasama naman pala. Kaya pala biglang nawala si Marcus" narinig kong sabi ni Kuya Kel na papalapit na sa amin kasama si Kuya A at Ate Dons. Nakasunod naman sa kanila ang ilang elders namin sa PYM at ang tatlong Sacristan na gaganap bilang Tatlong Hari. May mga dala silang props at mga boxes na mukhang 'yung mga susuotin namin.

"May napapansin na ako sa inyong dalawa ah" singit ni Ate Dons.

"Kayo talaga, pag 'yang dalawa na 'yan eh nailang sa isa't isa, sira ang Panunuluyan natin bukas" sabi naman ni Kuya A.

"Eto naman kasing si Marcus, Kuya A. Bigla bigla na lang nawala eh 'yun pala susunduin lang si Selene" sabi naman ni Kuya DJ na may nakakalokong ngiti na sa amin ni Marcus.

WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon