TRIGGER WARNING: This chapter includes disturbing scenes. Know your limits and Read at your own risk. Thank you!
"Napag usapan ng buong council na iibahin natin ang flow ng Panunuluyan this year" paninimula ni Ose.
"At alam na alam namin na matutuwa at magugustuhan ninyo ito" sagot naman ni Mimi.
"Pero bago tayo magsimula, babasahin muna ni Ate Mimi niyo ang mga maaring roles na puwede niyo ganapan. The new script, to be followed na lang muna" sabi ni Ose.
"So, we have 10 houses before reaching the Sabsaban, 6 doon ay mag asawa ang nakatira while the other 4 is solo lang. 10 Angels na sasayaw pa din, but the good news is, lahat ng Munting Tinig ay kasali na as a Singing angles!" sabi ni Mimi na ikinahiyaw ng mga bulinggit namin.
Natawa na lang kami dahil kitang kita sa lahat na masaya sila sa mangyayaring Panunuluyan.
"And of course, we have the 3 Kings, Mary, and Joseph to complete the reenactment" pagpatuloy ni Mimi.
"So ano dating gawi?" tanong ni Ose sa mga bata.
Katulad ng nakasanayan, magkakaroon ng casting para sa mga casts. At hindi na puwede maulit ang mga naging role mo na noon. Kung naging Mary ka na last year, you cannot play the role of Mary again this year. Just like what I've said, we wanted to let everyone experience different kind of roles in every sadulaan in the church.
Bago sila nagsimula ay nagpaalam na din ako para pumunta sa Parish dahil kanina pa ako tinatawagan ni Kuya Kel para dito.
Lumabas na ako sa simbahan at napansin ko ang sasakyan ni Marcus na nakaparada malapit sa gate. Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka kamukha lang. Tatawagan ko na sana si Kuya Jorj nang bigla kong nakita si Marcus na papalapit na sa gawi ko.
"Pinapasundo ka ni Kuya Kel" sabi nito sa akin pagkalapit.
"Hindi ka na sana nag abala, magpapahatid naman din ako papunta doon" sagot ko dito.
"Andito na ako, papabalikin mo pa ba ako na hindi ka kasama?" nakataas na kilay na sabi nito.
Inirapan ko na lang siya at nauna na maglakad papunta sa sasakyan niya. Hindi ko na din siya hinintay na pagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan at dirediretso nang pumasok.
Natatawa siyang pumasok na at bumaling sa akin.
"My Mary is so Grumpy" natatawang sabi nito bago niya isinuot ang seatbelt sa akin. Napaiwan ako ng tingin nang mapansin ko na sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Saglit siyang napatigil kaya napatingin ako sa mata niya na nakatingin na pala sa mga labi ko.
Nang mapansin niya na nakatingin na ako sa kaniya ay bigla siyang lumayo at napaubo bago pinaandar ang sasakyan niya.
"Sino 'yung bagong pari?" tanong ko kay Marcus.
"Si Pads Billy, music head 'yon sa buong Diocese" sabi ni Marcus.
"Really!? Is he strict? Intimidating?" tanong ko dito.
"A little bit. But he is so kind so you don't have to worry" nakangiting sabi nito.
Hindi na ako nakasagot dahil sa kabang nararamdaman. Bigla akong naging conscious sa boses ko.
Kinuha ko na lang muna ang cellphone ko dahil nakalimutan kong ibilin si Alexis sa mga kaibigan ko. Masyadong mababaw ang luha ng kaibigan ko kaya he needs to divert his attention to other things.
"Hello, Kuya Tops?" bati ko sa kaibigan ko pagkasagot niya ng tawag ko. Nakita ko pa ang pagsulyap sa akin ni Marcus na nakakunot na ang noo.
"Oh, napatawag ka baby girl?" maarteng tugon nito. Naririnig ko pa ang sigawan sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
WITHIN
HorrorRow row row your boat, down the bloody stream. Brutally throttling, as your blood is falling, Revenge is my loudest scream. Make sure that everybody is rowing and not drilling holes when you aren't looking ... From all the evil that surrounds me, de...