"Vanya, tawag ka na ni Tatay Lito mo" sigaw ni Nanay sa akin dahil sa kupad kong kumilos.
Tumakbo ako palabas ng kwarto at agad na niyakap ito.
"Alis na po ako. See you later" ninakawan ko siya ng halik na siyang nagpatawa sa kanya. Tumatakbo ako papunta sa sasakyan nang matanaw si Tita Carmina kaya naman napa preno ako.
Tinitigan ako nito bago lumapit sa akin.
"You better learned your lesson bastard!" sabi nito at nilagpasan ako. Nang makalagpas sa akin ay pumasok ako sa sasakyan.
"May sinabi na naman ba sayo si Carmina apo?" tanong ni Tatay. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. Ayokong maging dagdag pa ako sa alalahanin nila.
Nang makarating sa eskwelahan ay dumiretso ako sa classroom namin. Uupo na sana ako sa upuan ko nang maalalang pagma may-ari nga pala ito ni Primo.
Kaya naman tumayo ako ulit at pagharap ko sa aking likuran ay nanlaki ang mata ko nang tumapat ang aking mga mata sa isang matangos na ilong. Nag angat ako ng tingin at ang gwapong mukha ni Primo ang nakita ko.
Humakbang ako paatras para maglagay ng distansya sa aming dalawa.
"Going anywhere?" tanong niya sa akin at nilagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin. Inilapag niya ang kanyang bag bago umupo at nakapangalumbabang tumingin sa akin.
He's really handsome I give you that. Perfect would not be enough to describe his features.
"Nasanay kasi akong dumidiretso dyan but I know you own that seat so I better sit at the back" paliwanag ko sa kanya at tinalikuran siya.
"You can sit here" mabilis niyang tugon na nagpatigil sa paglalakad ko. Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa tinuran niya.
"We still have to talk about our reportings" paalala niya kaya naman hinarap ko siya. Tinapik niya ang bakanteng upuan sa tabi niya.
"Sit here crawling creature" narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga ilan kong kaklase na nakakaalam sa nangyari sa amin nung nakaraang araw.
Inirapan ko si Primo matapos ang sinabi niya bago ako umupo sa tabi niya. Inilabas ko ang notebook at ballpen ko bago ako sumandal sa upuan at tumingin sa harapan dahil naghihintay pa rin kami ng prof.
Napansin ko ang ilang beses na pagbaling ng tingin sa akin ni Primo.
"You want to know something?" tanong ko sa kanya pero hindi ko siya binalingan ng tingin. Hindi agad siya nakasagot sa akin. Sandaling tumahimik ang paligid namin.
"Are you good now?" tinapunan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
"Why? Are you gonna sing me a song again?" napangiti ako nang maalala ang ginawa niyang pagkanta para patahanin ako.
"Abusado" he chuckled so soft before looking at me again. "Okay ka na nga?" ngayon ay mas seryoso na ang tanong niya sa akin.
I smiled at him before I nod. Nagulat ako nang gantihan niya ang ngiting ibinigay ko sa kanya. Ilang sandali kaming nagkatitigan. I can't help but to stare at those beautiful brown almond eyes. They are so perfect.
"Good morning" napatayo ako nang marinig ang boses ng prof namin ganun din si Primo.
"Good morning mam" bati din namin. Nagsimulang magturo ang prof namin at wala akong ginawa kundi mag notes para naman may mabalikan ako sa oras ng exam.
Nangangawit na ang kamay ko kaya naman ipinatong ko ang siko ko sa arm chair ni Primo habang nagsusulat. Nasa whiteboard ang buong atensyon ko nang maramdaman ko ang pagdikit ng braso ko braso ni Primo.
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)