"Vanya" kinawayan ako ni Angel pagkapasok ko sa room. Didiretso sana ako sa upuan ko na katabi ni Primo pero dumiretso ako kay Angel.
"Dito ka na maupo" nakangiting sabi niya sa akin. Excited naman akong tumabi sa kanya dahil nitong mga nakaraan napansin kong parang iniiwasan niya ako.
"May papakilala pala ako sayo" kinikilig nitong sabi. May tinawag ito sa mga kaklase namin.
"Hi Vanya" nahihiyang sabi ni Louie.
"Hi" ganti ko dito.
"May itatanong daw siya sayo. Dito Louie upo ka muna sa upuan ko" sabi ni Angel. Napansin kong namula ang pisngi ni Louie nang maupo siya sa tabi ko. Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil hindi ako sanay na makihalubilo sa mga lalaki.
"Ano yung itatanong mo?" pagbubukas ko sa topic.
"Ah, kasi Vanya" napakamot ito sa batok niya. "Matagal na kasi kitang napapansin at ....." hindi natapos ni Louie ang sasabihin nang may maglapag ng box sa arm chair ko.
Naagaw nito ang atensyon namin kaya nag angat ako ng tingin sa naglapag nito. Primo is standing beside my chair. Napangiti ako nang makita siya.
"What's this?" takang tanong ko.
Hindi ako sinagot nito bagkus tinignan niya muna ang katabi ko.
"Dito ka ba uupo?" tanong niya sa akin.
"Oo. Tabi kami ni Angel ngayon" tumango lang siya bago naupo sa gilid ng arm chair ko kaya nakasandal ang likuran niya sa braso at balikat ko.
"A girl gave it to me" sabi niya at ininguso ang box na inilapag niya sa akin. "It's chocolate cookie so I took it" kaswal na sabi nito.
"Why are you giving this to me?" takang tanong ko sa kanya habang binubuksan ang box.
Akala mo talaga sa akin. Eh nilapag niya sa harapan ko so I guess pwede kong galawin.
"I know you like chocolate and you don't like me being rude so I took it" napatingin ako sa kanya at napangiti dahil sa sinabi niya.
"Naks, improving" natutuwa kong sabi sa kanya. Kumuha ako ng isang cookie at tinikman yun.
In fairness sa mga admirer ni Primo, ang sasarap mag bake.
"Is it good?" tanong nito sa akin at sinisilip ang reaksyon ko.
"Here, have a taste" sabi ko at inilahad sa harapan niya ang kinagatan kong cookie. Hindi naman siya nag alangang kainin din ang isinusubo kong cookie sa kanya
Tinignan ko ang reaksyon niya. Mukhang nagustuhan niya rin ito. Kumuha akong muli ng isa pang cookie at nginuya yun.
Tumayo si Primo at kinuha ang flask niya. He opened it in front of me at inabot sa akin. Kinuha ko naman yun at tulad nang nakaraan ay dun na din ako uminom. Muling umupo si Primo sa arm chair ko.
"Go to your seat" sabi ko sa kanya.
Tinignan nito ang upuan niya at tumingin muli kay Louie.
"May itatanong ka pa ba?" tanong nito kay Louie. Naglipat lipat ang tingin ni Louie sa akin at kay Primo bago umiling.
"Good. Then go back to your seat. I'll sit there" utos nito
"Tabi kami ni Angel" pagtutol ko agad.
"Angel, dito muna ako. You can sit on my chair" sigaw nito kay Angel. Nilingon ko si Angel at nakita kong wala na ang ngiting nakaplaster kanina sa kanyang mukha. Pilit na ang ngiting nasa mga labi niya.
"Ayos lang" sabi nito bago nag iwas ng tingin sa amin. Binalik ko ang tingin ko kay Primo.
"You're unfair" sabi ko sa kanya at inilahad ang isang cookie sa bibig niya. Kinain niya naman yun mula sa kamay ko
