"Wala kang pakikialaman sa apo ko. Lumabas kaaaaaa" napadaing ako nang kumirot muli ang aking likuran.
"You have no rights kay Vanya. Ako ang magdedesisyon sa kanya. Sige na Doc. Take her" galit na sabi ni Tita Carmina.
Nagkakagulo sa lugar kung nasaan ako. Idinilat ko ang aking mata at agad na umikot ang paligid ko. Pinilig ko ang aking ulo at doon ko lang napansin na mukhang nasa ospital ako.
Mukhang hindi pa napapansin ng mga taong nasa loob ng kwarto na nagising na ako. Tinignan ko sila at dinig ko ang kanilang pagtatalo.
"Sundin mo ako Doc. I am her legal guardian. Pwede ba Nanay, Tatay, umalis na kayo" pagtataboy nito sa dalawa.
Tahimik na umiyak si Nanay matapos marinig ang sinabi ni Tita Carmina. Niyakap naman siya ni Tatay.
"Carmina, sigurado ka ba? Kaya pa naman natin isalba ang bata. Kaya pa natin na dalawa silang mabuhay"
"Carmina huwag mong idamay ang bata sa sinapupunan ni Vanya sa galit mo" malungkot na sabi ni Tatay.
Bata? Sinapupunan ko?!
"Aray" daing ko nang sinubukan kong tumayo ngunit kumirot ang aking tyan. Napatingin sa akin ang mga taong nasa kwarto.
Napansin ko ang pagkagulat ni Tita Carmina nang makitang gising na ako.
"Tranquilize her now" sigaw nito sa nurse. Nagmamadali naman ang nurse na may itinusok sa swero ko.
Patakbong lumapit sa akin si Nanay at niyakap ako.
"Nay? Hindi ko po maintindihan. Anong nangyayari?" naguguluhan kong tanong.
"Apo, buntis ka. May bata ang sinapupunan mo." Napahawak ako sa aking tyan nang maintindihan ang sinabi ni Nanay. Binalot ng kaba ang dibdib ko ngayong napagtanto kung ano ang pinagtatalunan nila Nanay at Tita Carmina. Inabot ko ang kamay ni Nanay habang nararamdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
"Nay....." naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
"Huwag ang anak ko...." iyak ko dito.
"Huwag niyong hayaang mahawakan siya ni Tita Carmina. Nay..... iligtas..... mo.... ang..... baby...... ko......" pakiusap ko dito habang parang gripo ang pagtulo ng luha ko habang unti unti akong muling nawalan ng ulirat.Mabigat ang pakiramdam ko nang muli akong magising. Napansin kong nasa iba akong kwarto. Inilibot ko ang aking mga mata at nakita ko si Tatay na natutulog sa tabi ng aking kama habang hawak ang kamay ko.
"Tay" mahina kong tawag dito. Napabalikwas ito ng bangon at tila ba nakakita ng multo.
"Nurseeeeee" sigaw agad nito habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Pumasok ang nurse at agad akong inasikaso ko. Chineck nito ang aking mga mata gayundin ang pulso ko. Ang sumunod ay may pumasok na doktor.
"We're glad she's awake. Kailangan niya lang magpahinga pa para makabawi ng lakas. Sa dami nang nangyari sa kanya kakailanganin niya ng matatag na masasandalan" sabi ng doktor bago kami iwan ni Tatay.
"Tay, bakit nandito tayo? Nasaan si Nanay?" pagkatanong ko nun ay siya namang pagbukas ng pintuan kung saan nanggaling si Nanay.
Mabilis itong lumapit at niyakap ako.
"Salamat sa Diyos at gising ka na" hinaplos ni Nanay ang mukha at hindi nito mapigilang umiyak. Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya.
"Nasaan tayo Nay? Nasaan sila Tita Carmina? Sila Daddy at Kuya Dave kamusta po?" muli kong tanong dito. Nagtinginan muna ang mag-asawa bago umupo sa tabi ko at seryoso akong tignan.
"Nasa probinsya namin tayo apo. Nakaalis na ng bansa sila Tita mo Carmina at dinala nila ang Daddy at Kuya Dave mo" malungkot akong napatango sa sinabi nito. Hindi ko alam kung bakit tila ba inaasahan ko na ito na ang matatanggap kong sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)