"Ayan, ang ganda ganda mo na Vanya" masayang sabi ni Megan matapos akong lagyan nito ng lipstick.
"Bilisan niyo na dyan at nasa labas na ang grab" pagmamadali sa amin ni Michelle.
Kinuha ni Megan ang bag niya habang ako ay tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Hinila ko ang pababa ang dress na suot.
"Halika na Vanya" hinawakan ni Megan ang kamay ko at dali dali akong isinakay sa sasakyan. Nasa loob na si Michelle at kami na lang ang hinihintay.
Umalis din naman ang grab nang makasakay kami.
"Excited talaga ako" sabi ni Michelle habang hindi matigil ang pagtingin sa salamin.
"Teka nga saan ba talaga tayo pupunta? Sabi niyo girl's night out to?" takang tanong ko.
"Girl's night nga" sabay na sagot ng dalawa.
"Eh bakit ganito ang mga suot natin parang mga kinapos sa tela!" sabi ko at hinila muli ang itim na dress na suot ko. Hinampas ni Megan ang kamay ko.
"Tigilan mo nga ang paghila dyan. Ang ganda ganda ng damit mo mamaya masira" pagalit nito sa akin.
"Eh anong girl's night out ba ang pupuntahan natin?" Tanong kong muli.
Nginitian ako ni Megan at may kinuha sa bag niyang tatlong ticket.
"Tadaaaa!! Binigyan ako ng complimentary tickets ni Sir Boaz para sa isang high end bar" paliwanag nito
"Boaz??" tanong ko dito nang di makilala ang pangalang binanggit
"Yung lalaking kasama nila Sir Primo" napaisip ako sa sinabi niya. Tama, baka yung isa pang lalaki na palagi niyang kasama bukod kay Pierce.
Kung birthday ngayon ni Boaz panigurado ay nandun din si Primo.
Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko nang maisip na maaari kaming magkita ni Primo ngayong gabi.
Napaayos ako ng upo at sinilip ang sarili sa front mirror. Naka body hugging black dress ako na above the knee at naka high pony tail. Hindi rin naman ganun kataasan ang suot kong sandals at simple lang din ang make up na inilagay sa akin ng mga kaibigan ko.
Nagmamadaling lumabas sila Megan at Michelle nang dumating kami sa lugar na pagdadausan ng birthday. Sa labas pa lang ay mababakas mong mayayaman ang pumupunta dito. Iba't ibang klase din ng mamahaling sasakyan ang nakaparada.
Sinusundan ko ng mata ang mga taong dumadaan sa amin. Mula sa ulo hanggang paa ay branded ang mga suot nito. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng hiya. Alam ko kasing hindi ako nababagay sa lugar na ito.
"Kayo na lang ang tumuloy. May gagawin pala ako ngayon" natigil ang mga kaibigan ko sa ginagawang pag selfie at sabay nilang hinawakan ang magkabila kong braso.
"Magtigil ka nga Vanya! Ngayon lang to mangyayari kaya mag enjoy ka" sabi ni Michelle.
"Saka samantalahin mo na habang wala si Uno na laging nakabantay sayo at pinagbabawalan ka. Ngayon lang to oh" dagdag ni Megan.
Napabuntong hininga ako at muling tinignan ang paligid na naghuhumiyaw ng karangyaan.
"Baka pwedeng...."
"There you are" sabay sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita. Naglalakad si Boaz papunta sa amin.
"Akala ko hindi na kayo pupunta" mabilis na sinalubong siya ng dalawa kong kaibigan at tila nakalimutan na ako kaya naman sinamantala ko yun para makatakas.
Pagkatalikod ko ay isang malapad na dibdib ang humarang sa akin.
"Where do you think you're going?" tanong ng lalaking nasa harapan ko kahit hindi na ako mag angat ng tingin ay kilala na ng puso ko kung sino ang nasa harapan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)