Napapikit ako nang marinig ang malakas na kulog mula sa madilim na kalangitan. Mukhang nagbabadya ang isang napakalakas na ulan. Binilisan ko ang lakad ko sa takot na baka maabutan ako nito ngunit nakaka tatlong hakbang pa lang ako ay bumuhos na nga ang isang napakalakas na ulan.
Mabilis akong tumakbo sa nakitang pwedeng masilungan.
"Malas naman" sabi ko habang nagpupunas sa basa kong katawan.
"Eeeyyyy" napaatras ako ng may isang lalaking tumakbo din para makasilong sa maliit na espasyo kung nasaan ako. Magkadikit kaming dalawa at nagtatama ang aming mga braso dahil kapag naglagay kami ng espasyo sa pagitan namin ay parehas kaming mababasa.
Alanganin akong napangiti dito. Ang awkward namin kasi ng sitwasyon namin buti sana kung magkakilala kami.
"Lakas ng ulan. Biglang buhos eh" pagsisimula ko ng usapan pero tignan lang ako nito at tumango.
"Taga dito ka lang ba?" dagdag na tanong ko pero umiling lang ito bilang sagot.
Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay napahiya ako. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at pinagmasdan na lang ang napakalakas na buhos ng ulan na may hangin pa kaya naman nababasa pa din kami.
Mukhang matatagalan pa tong ulan na ito. Inilabas ko ang aking kamay upang damhin ang buhos ng ulan. Napangiti ako nang maramdaman ang lamig nito at ang malakas na pagbagsak nito sa palad ko.
Kailan nga ba ang huli kong ligo sa ulan?
Nawala ang iniisip ko nang may tumigil na itim na sasakyan sa harapan namin.
"Alis na ako" nagulat ako nang magsalita ang lalaking katabi ko. Tinignan ko siya at itinuro niya ang nakaparadang sasakyan sa harapan namin.
"Ahh sige sige, ingat" nakangiti kong paalam dito nang marealize na sa kanya ang humintong sasakyan.
Lumabas ang driver mula sa itim na sasakyan at may dalang payong. Ibinigay nito ang hawak na payong sa lalaki.
"Gusto mong sumabay?" parang pumalakpak ang tenga ko sa sinabi nito.
"Sure ka?" pag uulit ko dito. Tumango naman ito pero wala pa ding reaksyon na makikita sa kanyang mukha.
"Sige. Mukhang mamaya pa din to titigil eh" sabi ko. Binuksan ng lalaki ang payong. Nagulat ako nang ilahad niya ang kamay nya sa akin.
"Isa lang ang payong eh. Makisuob ka na lang kesa mabasa ka" paliwanag nito.
"Naku ayos lang. Share na lang tayo tutal sharing is caring naman" sabi ko at tinanggap ang kamay niyang nakalahad.
Agad akong sumiksik sa kanya para magkasya kami sa payong. Nang makasuob na ay naglakad na kami papuntang sasakyan.
"Salamat" sabi ko nang makapasok sa loob ng sasakyan.
"Saan ka ba? Idadaan ka na lang namin" napatingin ako sa lalaki. Napakunot ako sa noo ng matitigan ko siya.
"Ikaw yung lalaking kasama nila Primo sa resto namin" masaya kong sabi nang tuluyang makilala ang lalaking nagmagandang loob.
Napakunot noo din ito dahil sa sinabi ko bago gumuhit ang ngiti sa labi niya.
"Ow, I see you're Vanya!" masigla nitong sabi.
"Kilala mo ko?" gulat kong tanong sa kanyan.
"Of course. Who wouldn't know you" lalo akong nagtaka sa sinabi nito.
"What do you mean?"
"Oh nothing. Mukhang alam ko na kung saan ka idadaan. Dun din naman ang punta ko kaya sabay na tayo. By the way I'm Pierce. Primo's cousin"
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)