Chapter 3

652 18 0
                                    

Nagmamadali akong maglakad patungo sa room ko dahil late ako nagising ngayon. Sumilip muna ako sa room at nakita kong nagsisimula na ang prof namin sa klase.

Ay, kakainis!

Yumuko ako at nagsimulang gumapang mula sa likurang bahagi ng room buti na lang at nasa likod ang upuan ko.

"Shh" sabi ko sa mga kaklase kong nadadaanan ko habang gumagapang. Tumango naman sila habang tumatawa dahil sa ginagawa ko.

Natigil ako sa paggapang ng may paang humarang sa daraanan ko kaya naman napatingala ako. Nakayukong nakatingin sa akin si Monteverde.

Anong ginagawa nito dito?

Hinampas ko ang binti niyang nakaharang sa daraanan ko pero di niya pa rin iyon inalis.

"Mr. Monteverde" tawag sa kanya ng prof namin. Napapikit ako nang marinig ang takong ng prof naming papalapit sa pwesto niya. "Can you answer my question?" tanong nito dito.

Hindi nag abalang tumayo si Monteverde at walang kagatol gatol na sumagot sa prof namin.

"Good. I thought you're not listening cause your eyes are somewhere else" komento ng prof. ko

He chuckled before he let out a comment

"Someone just caught my eyes mam. A crawling creature" sabay sabay na tumawa ang mga kaklase kong nakakaalam na nasa sahig pa rin ako. Hinampas ko ang binti niya dahil sa komentong binigay niya.

Muli niya akong tinignan. He bit his lower lip to supress his laugh but it just makes him more handsome.

Jackas*

Nang muling magsalita ang prof. namin ay nagbalak na akong gumapang ulit pero di pa rin ako pinapadaan ni Monteverde.

I motioned him to make me through pero kinuha niya lang ang bag niyang nakaupo sa bakanteng upuan. He tapped it kaya napatingin ako sa kanya.

"Sit" he said without letting out a sound on his mouth. Napangiti ako sa sinabi niya dahil hindi na ako gagapang pa. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Inabot ko naman ang bag ko. Inilagay niya yun sa bakanteng upuan.

Dahan dahan akong pasimpleng umupo. I released a long sigh nang tuluyang makaupo.

"Whew" sabi ko at napapaypay ang kamay sa mukha. Siniko ko siya nang mahina para makuha ang atensyon niya.

"Thanks" nakangiti kong sabi sa kanya. Tinanguan niya lang ako at muling nakinig sa prof namin.

Napahikab ako dahil inaantok talaga ako kapag si Ms. Zenaida ang prof namin. I looked at Monteverde and I saw him scribbling some notes on his notebook. His handwriting caught my attention. He has a good penmanship.

Sinilip ko ang notebook niya to see kung anong mga nadiscuss nung mga oras na wala pa ako. Napansin niya siguro ang ginagawa ko kaya inilapit niya sa akin ang notebook. I looked at him because of what he did.

"Go. Have a look" tipid niyang sabi at muling nakinig sa prof namin. Kinuha ko ang notebook niya at kinopya ang mga nakasulat dun.

"I've waited for you for several days" mahinang sabi nito. Nanlaki ang mata ko nang maalala na mag uusap nga pala dapat kami para sa reporting.

Kasi naman next week pa ulit kami mag m meet dapat. Irregular student kasi ako kaya iba iba ang schedule. Cinompress ko kasi ang subjects ko sa 3 days dahil yun ang gusto ni Tita Carmina para less exposure ako sa school.

"Sorry, I forgot" hinging paumanhin ko dito.

"Can we talk later?" tanong nito sa akin. Napakagat labi ako dahil pinapauwi ako ni Tita Carmina ngayon ng maaga.

Monteverde Series #1: Journey to ForeverWhere stories live. Discover now