"Thank you for today" pinisil ko ang kamay ni Primo at binigyan siya ng isang magandang ngiti bago kami sabay na bumaba sa kanyang sasakyan.
Pagkababa ko ay natanaw ko na agad ang sasakyan ni Tatay katabi niya sa harapan ay ang nakangiting si Nanay.
Kinuha ko ang kamay ni Primo at patakbong tinungo ang sasakyan. Nang makitang papalapit na kami ay bumaba na sila Tatay.
"Who is she mahal?" tanong sa akin ni Primo habang hila hila ko siya.
"Siya si Nanay. Magmano ka ha. Excited yang makilala ka" gumuhit ang isang ngiti sa labi ni Primo matapos marinig ang aking sinabi.
Huminto kami sa harapan nila Nanay. Niyakap at hinalikan ko silang dalawa ni Tatay sa pisngi pero wala sa akin ang atensyon nito kundi na kay Primo.
"Nay, si Primo nga po pala. B-boyfriend ko po" nautal pa ako sa pagkakasabi dahil hindi ako sanay na magpakilala ng lalaki sa kanila at bilang boyfriend ko pa. Mahinang tumawa si Tatay nang marinig ang pagkakautal ko kaya naman pabiro kong hinampas ang braso niya.
"Mah....." napatigil ako nang muntik ko nang matawag si Primo na 'mahal' sa harapan nila Nanay.
"Primo, si Nanay Celia, asawa ni Tatay at ang tumayong lola ko na din" magiliw kong pakilala dito.
"Magandang umaga po Nanay Celia" nakangiting bati ni Primo pero imbes na magmano ay niyakap niya si Nanay.
Bakas ang gulat sa mata ni Nanay dahil sa ginawa ni Primo. Nagkatinginan naman kami ni Tatay matapos makita ang ginawa nito.
"Napakalambing mo naman palang bata" nakangiting sabi ni Nanay nang bitawan siya ni Primo mula sa pagkakayakap.
"Salamat po" tila nahihiya pang sagot nito. Saglit na tumahimik ang buong paligid matapos nang sagot ni Primo.
Hindi naman inaalis ni Nanay ang tingin niya kay Primo na tila ba kinikilatis niya ito.
"Alagaan mo ang apo ko Primo" malumanay na sabi nito kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya.
"Yan ang prinsesa namin ni Lito kaya kapag yan umiyak ikaw lang ang hahanapin ko at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko" pananakot pa nito.
Tinignan ako ni Primo at napangiti.
"Opo naman Nanay. Prinsesa ko rin ito eh" hinila ako ni Primo palapit sa kanya at inakbayan sa harapan nila Tatay at Nanay.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa biglaan niyang ginawa.
Sira ba to? Talagang sa harapan pa nila Nanay at Tatay niya ko inakbayan. Mamaya masermunan pa kami eh!
"Huwag po kayong mag-alala. Hindi ko po sasaktan si Vanya. She's one of the people that I will always want to protect" napatingin ako kay Primo dahil sa sinabi niya.
Ang mga mata niya ay nakangiti habang diretsong nakangiti kila Nanay at Tatay na tila ba sinasabing hindi na dapat pa nila ako alalahanin.
Lihim akong napangiti at kakaibang saya ang nararamdaman ko. Sa lahat ng nangyari sa akin, ang pagdating ni Primo ang isa sa palagi kong ipagpapasalamat.
In him, I found my inner peace. In him, I found my comfort. In him, I found my happiness. Sa mga simpleng salita niya ay iba na ang dulot sa akin. Ang mga kilos niya kahit walang mamutawing mga salita ay nagpapahiwatig na espesyal ako sa kanya.
Pagod ngunit masayang natapos ang buong araw ko. Nagtatawanan kami nila Tatay at Nanay habang papasok sa bahay nang makasalubong namin si Tita Carmina sa likod niya ay nakabuntot si Alyssa.
"Vanya!" sigaw nito sa pangalan ko. Napapitlag ako napakapit bigla sa braso ni Nanay. Bahagya naman akong itinago nito sa likuran niya.
"Ano tong nakita ni Alyssa sa student's page na to ha!" itinapat sa akin ni Tita Carmina ang cellphone na hawak.
Ito yung pinakita sa akin ni Kuya Dave na page dati. Nakalagay dun ang mukha namin ni Primo at sinasabing may relasyon kami.
Dobleng kaba ang naramdaman ko lalo na ngayon na nakikita ko ang galit ni Tita Carmina.
"Sagot!!!!!" malakas na sigaw nito.
"Carmina naman, hayaan mo na ang bata" pag awat ni Nanay.
"Hindi ho kayo ang kinakausap ko kundi ang malanding bata na yan!" dinuro ako ni Tita Carmina at matatalim din ang tingin nito sa akin.
"Ito rin yun di ba yung lalaking kasama mo sa Starbucks nung nahuli kita di ba?!" hinablot ni Tita Carmina ang braso. Napapikit agad ako nang nakatayo ako sa harapan niya. Naghihintay na dumapo sa akin ang palad niya.
"Carmina" napadilat ako sa malakas na sigaw ni Tatay bakas din sa mukha ni Tita Carmina ang pagkagulat.
"Matagal na akong nanahamik sa pananakit mo sa bata! Naiintindihan kong malaki ang galit mo sa ina niya pero labas ang apo ko dito!! At kung sakali mang totoo yang nababasa mo, wala akong nakikitang mali dyan. Responsableng bata ang apo ko. Alam niya ang tama sa mali. Kami ang nagpalaki sa kanya Carmina at alam naming mabuting bata si Vanya"
Halos mamula ang mukha ni Tita Carmina matapos marinig ang sinabi ni Tatay Lito.
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG MABUTI SIYANG BATA!!! WALA SIYANG KARAPATANG MAGING MASAYA! WALA SIYANG KARAPATANG MAGMAHAL DAHIL YUN ANG KINUHA SA AKIN NG NANAY NIYA!!! THEY RUINED ME TATAY!! ALL OF ME!!!" malakas na sigaw nito habang tumatakas ang mga luha sa kanyang mga mata.
Ibang sakit at lungkot ang naramdaman ko nang makita ang mga luha ni Tita Carmina hanggang ngayon ay nakakulong pa rin siya sa sakit na ginawa ng magulang ko sa kanya. Hanggang ngayon ay baon pa rin niya ang multo ng kahapon niya.
"Sila ang nanakit sayo. Hindi si Vanya. Hindi mo pwedeng pagbawalan ang apo kong maging masaya. Hindi mali ang matutong magmahal Carmina" malungkot na sabi ni Nanay Celia.
"Hindi mali ang magmahal kung wala kayong nasasaktang tao but look at me nay, I lost myself while loving them wholeheartedly. I lost myself because of their betrayal." madiing sabi ni Tita Carmina.
"I can never forgive them" sabi nito bago ako matalim na tignan at maglakad palayo sa akin. Naiwan si Alyssa na namumula ang mga mata.
"You will never be happy Vanya. Someone needs to pay for the pain of my mother and I'll make sure of it" banta nito bago sundan ang kanyang ina.
Nakamasid ako sa kanyang likuran at napabuntong hininga.
Hanggang kailan?
"Vanya, wag mo na sila intindihin. Hindi namin hahayaang hindi ka maging masaya"
"Naiintindihan ko naman po ang galit nila. May karapatan po silang magalit pero sana wag nila ako tanggalan ng karapatang maging masaya" kinagat ko ang aking labi para itago ang sakit na nararamdaman.
"Tanging ikaw lang Vanya ang may karapatang mag desisyon para sa sarili mo. Huwag mong hayaang kontrolin ka nila. Hindi sila ang may hawak ng buhay mo. Ikaw ang gagawa ng bukas mo apo" paalala sa akin ni Tatay.
Muli kong nilingon ang nilakaran nila Tita Carmina at Alyssa. I closed my eyes and deep breath. Pilit na pinapakalma ang aking sarili ngunit sa huli tanging takot at pagod ang bumalot sa aking puso.
Nakakapagod. Nakakapagod ang maging Vanya Altamerano.....
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)