Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto kaya naman kahit na masakit ang ulo at mabigat ang pakiramdam ay mabilis akong bumangon na siya namang pinagsisihan ko dahil biglang kumirot ang ulo ko.
"Vanya" nagmulat ako ng mata at nakita si Primo na may dalang cold compress. Agad ako nitong nilapitan sa kama.
"You should lie down mataas pa ang lagnat mo" sabi nito habang inaalalayan ako pahiga sa kama. I looked at him at napansin ko ang pangangalum mata nito.
"Wala ka pang tulog?" mahina kong tanong sa kanya. He looked at me and smiled.
Hindi agad ito sumagot. Kinuha niya ang cold compress at inilagay sa aking noo. Hinawakan niya ang aking pisngi at marahang hinaplos ito.
"Paano ako makakatulog kung inaapoy ka ng lagnat? Don't mind me okay? Magpagaling ka lang" malambing nitong sabi sa akin habang patuloy ang paghaplos sa aking pisngi.
Napangiti ako sa sinabi nito.
"Di ata tumatalab ang mga medicines mo eh" saad ko
"Just rest at magiging mabuti din ang pakiramdam mo"
"Hmmmm, I think I need a yakapsule" nakangiti kong sabi sa kanya. Umurong ako sa gilid ng kama at tinapik ang bakanteng space dito.
Umiiling na tumawa si Primo bago umakyat sa kama at tabihan din ako. Mabilis kong iniyakap ang mga braso ko sa kanyang katawan. Inangat naman nito ang ulo ko at pinaunan niya ako sa kanyang braso at gantihan ang yakap ko.
"Ang init mo" naiinis nitong sabi habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang daliri.
"Ayaw mo nun hot ang girlfriend mo" pagbibiro ko dito na ikinatawa ni Primo.
Ipinikit ako ang aking mga mata at pinakinggan ang tibok ng puso ni Primo. Tahimik kaming dalawa at tila sabay na ninanamnam ang presensya ng isa't isa.
"You wanna talk?" mahinanong tanong ni Primo.
"Talk about what?" curious kong tanong. Hindi agad sumagot si Primo.
"What happened Vanya? Puno ka ng sugat at pasa sa katawan nang linisan ka namin ni Mommy" malungkot nitong sabi.
Nakaramdam ako ng takot nang maalala ang dahilan kung bakit ako nandito kay Primo. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit lalo na nang maramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha.
"Kung ayaw mong ikwento ayos la...." hindi natapos nito ang kwento nang putulin ko siya sa pagsasalita.
"Anak ako sa labas Primo" huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.
"Kasambahay ang nanay ko at nahulog siya sa boss niyang may asawa. Even though they knew that their relationship was wrong ay pinagpatuloy pa rin nila kaya heto ako ngayon. Bunga ng mga maling desisyon nila. My mother tried to correct her mistakes. Lumayo siya kay Daddy pero hindi niya kinaya ang panganganak. My mother left this world the moment I was born kaya no choice si Daddy kundi kunin ako at itira kasama ang una niyang pamilya"
Tahimik si Primo habang pinapakinggan ako. Patuloy pa rin ito sa pagsuklay sa aking buhok.
"Hindi normal ang set up namin. Oo, nasa iisang bahay nga kami but I never had the chance to really bond with them. Nakahiway ako palagi sa kanila. Sa kwarto, sa mga gamit, kahit sa pagkain. Even my dad can't join me dahil pagsisimulan lang yun ng away" napabuntong hininga ako.
Unti unti kasing bumibigat ang loob ko habang sinusubukang ikwento ang buhay ko. Hindi ko alam kung maiintindihan o matatanggap ako ni Primo matapos malaman lahat ng ito pero bahala na.
"My stepmom never really liked me. Lahat ng mga galos at sugat na nakita mo? Lahat yun siya ang may gawa"
"Bakit di ka na lang umalis sa kanila Vanya?" bakas ang inis sa boses nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)