Magdadalawang linggo na matapos ang huli naming pagkikita ni Primo. Hindi na muli itong bumalik pa sa restaurant namin maging ang mga pinsan niya. Wala din mula kila Megan at Michelle ang naglakas loob na magtanong sa akin tungkol sa mga narinig nila nang gabing iyon.
Matapos ang sagutan na nangyari sa amin ni Primo ay lubos akong naapektuhan. Muli ko na naman siyang napapanaginipan tuwing gabi kung paano ko siya binaril at kung paano siya inihiwalay sa akin ng gabing iyon. Ilang beses kong ginustong baguhin ang katapusan nang kwento namin sa aking panaginip ngunit mukhang maging ito ay hindi payag na magkaroon kami ng maayos na pagtatapos.
"Vanya, pahatid naman nito sa may function room" sabi sa akin ng manager namin at ibinigay ang isang trolley na may lamang mga pagkain.
Itinulak ko ang trolley at pagpasok ko sa function room ay agad kong natanaw ang mga pinsan ni Primo. Mukhang may business meeting ang mga ito.
Nakaupo sila sa isang mahabang lamesa habang may mga laptop sa ibabaw nito at lahat ng mga mata ay nakatuon lamang sa kani kanilang gamit.
Maingat kong binuksan ang pintuan ng function room dahilan para mag angat ng tingin ang ilang naroon sa loob.
Magkasalubong ang mga kilay ng mga taong nakatingin sa akin. Yumuko ako para humingi ng pasensya at pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Boaz sa akin. I gave him a smile too tapos ay bumalik na ulit ito sa pag t trabaho.
Isa isa kong nilapag sa mga harapan nila ang mga pagkaing dala ko. Sa sobrang busy ng iba ay hindi na magawa ng mga ito na mag alis man lang ng tingin mula sa laptop nila.
"Good morning Sir. Here's your food" magalang kong sabi. Huminto si Pierce sa kanyang ginagawa at tinignan ako.
"Long time no see Vanya" nakangiti nitong bungad sa akin. "How are you?"
"I'm doing good Sir" magalang kong sagot dito
"That's nice to hear. Let's catch up soon. Medyo busy lang at parating na rin ang masungit naming boss" mahina nitong sabi.
Pagkasabi nito ay siya namang pagbukas ng pintuan dahilan para mapalingon ako.
Dug dug, dug dug, dug dug, dug dug, sunod sunod na hampas ng puso ko nang makita ang lalaking akala ko ay di ko na muli pang masisilayan.
Primo entered the room elegantly while wearing his black long sleeve na naka tuck in with his black slacks. Mabilis akong nahanap ng mga mata nito. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata ngunit nag iwas din agad ito. Kahit na sandali lamang ang pagtatama ng aming mga mata ay sapat na yun para magulo ang buong sistema ko.
"Speaking of the devil" mahinang sabi ni Pierce kaya naman napatingin ako sa kanya dahil kung hindi baka hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako kay Primo.
Mahigpit kong hinawakan ang trolley dahil lalabas na ako at sa pagkakataong ito ay makakasalubong ko si Primo. Kahit na puno ng kaba sa dibdib ay pinilit kong salubungin ang mga tingin niya ngunit parang tumatagos lang ang mga iyon sa akin.
Habang palapit kami ng palapit sa isat isa ay siya namang pagbilis sobra ng puso ko. Napansin ko ang mabagal kong paglalakad nang kaunti na lang ang distansya naming dalawa at napatigil ako nang halos magtapat na kami. Tila ba may inaasahan akong interaksyon na magaganap sa pagitan namin.
Ibang lungkot at kirot ang naramdaman ko nang hindi man lang ito tumigil para tignan ako o batiin man lamang. Dire diretso itong naglakad patungo sa bakanteng upuan. Napabuntong hininga ako bago naglakad ulit ng mabilis palabas.
Pumunta ako sa labas ng restaurant nang magka break na ako at doon ko muling inisip ang mga nangyari kanina.
"Ano bang iniisip mo Vanya! Akala ko ba ayaw mo na siyang makita dahil nagkakasakitan lang kayo eh bakit ngayon nag eexpect ka na kakausapin ka niya o babatiin man lang" pagalit ko sa sarili ko
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)