Chapter 44

808 21 0
                                    

"Will you marry me, mahal?" ulit kong tanong kay Primo ngunit nakatitig lang ito sa akin na tila di makapaniwala sa narinig mula sa akin.

Napansin ko ang paglapit ng mga pinsan niya sa amin gayundin si Sir Pancho.

"Sagot na baka magbago pa isip ni Vanya" hinampas ni Calixta ang braso ng pinsan at tila nabalik ito sa kung ano ang kasalukuyang nangyayari.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi at hinalikan iyon.

"You got me there baby" sabi nito habang tumatawa.

Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha siya sa bulsa niya. Tinignan ko kung ano ang sinusubukan niyang abutin.

"Naunahan mo lang ako mahal" sabi nito bago hugutin ang isang kulay itim na box.

Ngayon tila ako naman ang di makapaniwala sa nangyayari. Umiiyak ako habang tumatawa dahil sa mga nagaganap.

"Vanya, I have no idea that you're gonna propose to me kung alam ko lang sana inunahan na kita. This is not what we planned for. I want my proposal to be the best and romantic but just like the old ways baby, you have your own way of surprising people" kinagat ni Primo ang ibaba niyang labi bago buksan ang hawak na itim na box.

Kumislap ang singsing na naroroon. Napakaganda nito at dahil sa tumatamang sinag ng araw ay nagkaroon din ito ng kulay ng mga bahaghari. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Nakatitig lang ako si Primo na tila ba hindi naririnig ang kantyaw at hiyawan ng mga taong nakapalibot sa amin.

"Mahal, will you marry me too?" natatawa nitong tanong sa akin. Umiiyak kong inabot ang labi ng lalaking nakaluhod sa aking harapan. Hindi ko mapigilan ang luhang umaagos sa aking mga mata tanda kung gaano kasaya ang puso ko ngayon.

Malakas na hiyawan at palakpakan ang narinig namin matapos kong halikan si Primo. Pinagdikit ko ang aming mga noo.

"Ngayon Primo, ako naman ang maninindigan sa pagmamahal ko para sayo" pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata.

"At kahit saan mo pa gusto pakakasalan kita" nakangiti kong pag oo sa aking mahal.

"Whooooo" tili ni Calixta at napaigtad ako ng may malakas na party popper ang pumutok.

"That's one of my props na maaga kong nagamit dahil dapat mamaya pa talaga ang proposal mahal" paliwanag ni Primo habang isinusuot sa akin ang singsing.

Nang tuluyang masuot sa akin ang singsing ay hinalikan niya ang likod ng aking palad at itinayo ako mula sa pagkakaupo.

Niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko ang paulit ulit niyang paghalik sa aking balikat.

"Mahal na mahal kita Vanya" bulong niya sa aking tenga.

"Mahal din kita Primo" tugon ko sa kanya.

"Congratulations" sabi ng mga pinsan niya kaya naman humiwalay muna kami sa isa't isa para tanggapin din ang mga bati at yakap ng mga taong nakasaksi sa nangyari.

Mahigpit ang mga yakap sa akin ng mga kamag anak ni Primo. Bakas sa mga mukha nila ang saya sa nasaksihan sa amin. Napansin ko si Sir Pancho na nakatayong nakangiti habang hinihintay ang aking paglapit.

Ibinuka niya ang kanyang dalawang braso ng makita ang aking paglapit. Agad ko siyang binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Welcome to my family Vanya" malambing nitong sabi pero nagulat ako nang marinig ang paghikbi nito.

"Sorry for crying. Naalala ko lang ang Mommy ni Primo. After we met you ang sabi niya she like you for our son dahil alam niyang nasa tamang tao ang anak namin at tama siya Vanya. Sayo lang naging masaya ang anak ko. Sayo lang siya naging kuntento at naging panatag kaya salamat Vanya sa pagbalik sa buhay namin ng anak ko." umiiyak nitong sabi.

Monteverde Series #1: Journey to ForeverWhere stories live. Discover now