Bumaha ng iba't ibang emosyon ang araw na ito. Masakit sa katotohanang hindi ko na makakasama si Dad ngunit sobrang saya dahil muli kong nakita at nahagkan si Kuya Dave matapos ang napakaraming taon.
Mahigpit ang mga yakap ni Kuya para akong bumalik sa nakaraan kung saan ang bisig niya lang ang pakiramdam ko ay ligtas ako. Sa nakaraan kung saan siya ang palagi kong takbuhan at sandalan.
Natuto akong maging matatag higit lalo nang nawala sila ni Dad sa tabi ko dahil I know na wala nang pwedeng magtanggol sa akin sa mga taong handa akong husgahan at saktan ngunit ngayon napakagaan ng loob ko. After five years, naramdaman kong hindi ko kailangang matakot dahil bumalik na sila sa akin.
Bumalik na ang mga lalaking hindi natakot na mahalin ako. Ang mga lalaking handa akong samahan sa lahat ng pagkakataon. Kuya Dave, Primo, and Uno, because of them I know I can survive what lies ahead.
"Kuya, may ipapakilala ako sayo" humiwalay ako sa pagkakayakap ni Kuya Dave pero napansin kong hindi sa akin nakatuon ang atensyon niya.
"Okay na kayo ni Primo?" ito ang tanong niya sa akin. I confidently smiled at him.
"He loves me Kuya and his love for me is greater than what happened in the past" paliwanag ko dito. Kinuha ko ang kamay ni Kuya Dave at hinila siya patungo sa mag ama ko na ngayon ay nakatingin sa amin.
"Dave" tawag ni Primo kay Kuya at inilahad ang kamay niya.
Tinignan muna ito ni Kuya Dave bago ako tinignan. I smiled at him para ipaalam na ayos na ang lahat at hindi na niya kailangan pang mag alala. Bumuntong hininga si Kuya bago tinanggap ang kamay ni Primo.
"Primo" balik nitong sagot.
"Uno!" masiglang banggit ng anak ko sa pangalan niya. Lumipat ang tingin ni Kuya kay Uno at bumalik sa akin.
Gulat at pagtataka ang nasa mga mata nito.
"Kuya, this is Uno. Our son" pakilala ko sa aking anak. Napanganga si Kuya Dave sa narinig tila hindi makapaniwala sa nalaman.
"You got pregnant? By him?" gulat nitong tanong at tinuro si Primo.
"I was also surprised when I found out" nakangiting sabi ni Primo.
"Hi Tito" kumaway si Uno kay Kuya Dave bago siya nito kunin mula sa ama.
"Hi, little young man" hinalikan ni Kuya Dave ang pisngi nito at tinitigan ang mukha ng aking anak.
Lumapit ako kay Primo at niyakap ang kanyang beywang habang masayang nag uusap ang mag tito. Yumuko ito at tinignan ako.
"Happy?" paninigurado nito.
"Sobra sobra" naramdaman ko ang muling panunubig ng mga mata ko.
Hinaplos ni Primo ang pisngi ko.
"You deserve it mahal. Panahon na para kami naman ang mag alaga sayo. After all the things you've been through, it's time for you to be happy again" tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ni Primo. Mahina itong tumawa bago pinunasan ang aking luha at halikan ang aking noo.
Sobrang saya ng puso ko sa narinig mula kay Primo. Hindi ko tuloy mapigilang balikan ang nakaraan ko. Kung gaano kahirap ang bawat araw na dumadaan higit lalo nang ipinagbubuntis ko ang aking anak. Gabi gabi kong iniisip kung nakaligtas ba ang mga mahal ko sa buhay, kung paano kami sa mga susunod na bukas, paano ako mabubuhay, mapapatawad pa kaya ako ng mga taong nagawan ko ng masama?
Ngayon wala na ang lahat ng mga iyon. Gone are the days na kailangan kong mamuhay sa takot at pangamba dahil ngayon oras na para mamuhay akong muli na nababalot ng saya at pagmamahal.
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)