Nagmamadali akong tumakbo sa catwalk ng school dahil late akong nagising ngayon. Mayroon pa naman kaming quiz ngayong araw.
"Bat kasi di nag alarm eh" reklamo ko sa hangin.
"Ano ba?!" daing ng mga nakakasalubong ko dahil wala na akong pakialam kung nabubungo ko sila. Ang importante ay makahabol ako sa exam namin.
"Hey, watch out" sabi ng isang lalaki. Napahinto ako nang hawakan nito ang braso.
"Sorry. Nagmamadali lang" sabi ko nang hindi siya binabalingan ng tingin at sinubukang bawiin ang braso kong hawak niya.
"Vanya?" umangat ang tingin ko sa mukha ng lalaki nang tawagin nito ang pangalan ko.
"Tian" gulat kong tawag sa pangalan nito nang makilala ang lalaking nakabungguan ko.
"Dito ka nag aaral?" masayang sabi nito.
"Ah oo eh. Naku pasensya ka na ha may hinahabol kasi akong exam. Late na kasi ako" pagpapaliwanag ko.
"Hindi okay lang" nakangiting wika nito at binitawan ang kamay ko. "Sige na baka mapagalitan ka ng prof mo. See you around" kumaway ito sa akin bilang pamamaalam.
I quickly ran after what he said. Hinihingal pa ako nang makarating sa room at nakita kong nagsisimula na ang klase namin buti na lang at maganda ang mood ng prof ko kaya naman pinapasok niya ako.
Pagkakuha ko ng exam paper ay dumiretso ako sa upuan namin at dun ko napansin na wala si Primo ngayon. Akala ko nauna na siya dahil late ako.
Umupo ako at susubukan ko sanang kunin ang phone ko para i check kung may message si Primo kaso napansin kong nakatingin sa akin ang prof namin kaya naman mas minabuti ko na lang na sagutan muna ang exam.
Madali lang naman ang exam kaya mabilis akong natapos. Pinasa ko ang paper ko at dumiretso sa labas ng classroom.
Hinagilap ko ang phone ko at doon ko nakita ang messages at missed calls ni Primo. Isa isa kong binuksan ang mga mensahe niya.
"Mahal, I may not be able to come to school today. Kailangan kong samahan si Dad sa business meeting niya" basa ko sa mensahe niya.
"Nasa school ka na ba? The meeting is about to start. I'll message you when it's done. I love you"
"Hey, you're not replying. Don't skip your meals. Message me if you received my messages"
"You're not answering. Reply or I'll come to school"
Napangiti ako habang naglalakad dahil sa mga mensaheng nababasa. Magtitipa pa lang ako ng reply para sa kanya nang makitang tumatawag na siya.
Excited kong sinagot ko ang tawag niya
"Hi....." naiwan sa ere ang sasabihin ko dahil sa sunod sunod na pagsasalita ni Primo.
"I've been calling you for many times and you're not answering. No replies at all" bakas sa boses nito ang iritasyon na lalong nagpangiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit tila mas natuwa ako nang maisip kung gaano niya ako inaalala.
"Sorry. Late akong nagising kaya di na ako nakapagbasa ng mga messages pagkadating ko naman sa room hindi ako makapag message dahil makikita ng prof." paliwanag ko dito. Dalawang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito.
"Pinakaba mo ako akala ko ano na ang nangyari sayo Vanya! I'm about to leave my dad just to check on you" malambing na ang boses nito ngayon.
"Don't do that again. You're making me nervous" paalala nito.
"Yeah, I'm sorry........."
"Vanya" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita si Tian na palapit sa akin. I smiled at him to acknowledge na nakikita ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)