Chapter 36

839 24 2
                                    

Hindi naging madali ang paglipas ng bawat araw. Madalas na nakikita ko ang sarili na umiiyak higit lalo kapag mag-isa ngunit malaki rin ang pasasalamat ko na sa mga ganitong pagkakataon ay may mga kaibigan akong malalapitan.

Dinamayan ako nila Megan at Michelle sa mga panahong pinagluksa ko ang aking ama. Nandyan sila para pakinggan ang mga daing at iyak ko kaya kahit papaano ay gumagaan ang dala ko.

Hindi rin nagkulang si Primo na ipadama sa akin ang presensya niya. Dating gawi, palagi siyang tumatawag para kamustahin at patulugin ako. Madalas nga wala namang nagsasalita sa amin pinapakinggan niya lang ang iyak ko hanggang sa makatulugan ko na lang. At sa tuwing marami akong tanong sa kanya ay kinakantahan niya ako para mapawi ang lahat ng iniisip ko.

Palaging ipinapadama sa akin ni Primo na sa pagkakataong ito ay nandyan siya para damayan ako at tuwing gabi ay pinapaalala niya na sa harapan niya ay pwede akong maging mahina.

"Vanya" napalingon ako sa manager ko at nakita ko ang pagmamadali niyang lumapit sa akin.

"Ikaw na nga umawat kay Sir Primo. Tignan mo naglilinis na naman ng mga table" napakamot sa ulo ang manager ko na halatang problemado sa tuwing nandito si Primo.

"Mamaya isipin niyan inaalila kita dito ha kaya palagi kang tinutulungan" natawa ako sa sinabi nito

"Hindi Mam ah. Hayaan niyo ako na ang bahala" tinapik ko ang balikat ng manager ko bago lumapit kay Primo.

Tuwing pagkatapos kasi ng trabaho nito ay dumidiretso na siya sa restaurant namin at kapag naabutan niyang marami akong ginagawa ay agad itong tumutulong.

Kinalabit ko si Primo dahilan para lingunin niya ako. Sumilay agad ang magandang ngiti sa kanyang mga labi.

"Hi" bati nito sa akin.

"Ako na dyan. Maupo ka na muna. Magpahinga ka kakagaling mo lang sa trabaho mo eh" sabi ko at inagaw ang basahan na hawak niya.

"Hindi na tutulungan na kita kayang kaya ko naman ito eh" sabi nito at inagaw muli ang basahan sa akin.

"Kulit naman nito kapag ako sinesante dito malalagot ka talaga sa akin" at muli kong inagaw ang basahan sa kanya.

"Edi maganda open ang office ko hiring ako for girlfriend" ngumiti ng pilyo si Primo at nagtaas baba ang kanyang kilay.

Nag unahan naman ang pagtambol sa puso ko sa sinabi niya. Tinignan ko siya at tinaasan nang kilay pero tila hindi ito natinag sa pagtataray na ginawa ko. Lalo pang lumapad ang ngiti nito habang tinititigan ako nang mabuti dahilan para makaramdam ako ng hiya.

Mamaya may dumi pala sa mukha ko. Hindi din ako nag ayos ngayong araw pulbo at lipstick lang kaya baka.......

"You're simplicity makes you the most beautiful mahal" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Primo. Nawala lahat ng mga iniisip ko dahil sa bigla niyang sinabi.

Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko kaya panigurado ay namumula ang pisngi ko. Nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Mahal ka dyan?! Tse, dun umupo ka dun at umorder ka na lang para naman kumita ang restaurant namin sayo" pagsusungit ko sa kanya para itago ang kilig na nararamdaman dahil sa papuring natanggap mula sa kanya.

Nagulat ako nang hawakan ni Primo ang beywang ko at agad akong hatakin palapit sa kanya. Napahawak tuloy ako sa malapad niyang dibdib.

"Ano ba hoy!" sabi ko at sinubukan kong kumawala sa kanya ngunit inilapit lang nito ang bibig sa aking tenga.

Dama ko ang init ng katawan at hininga ni Primo kaya naman pigil hininga ako sa mga sandaling ito pero parang mauubusan ako ng hininga lalo na sa ibinulong nito sa akin.

Monteverde Series #1: Journey to ForeverWhere stories live. Discover now