"On the way na" message ko kay Primo pagkasakay sa sasakyan.
"Anong oras kita susunduin apo?" tanong ni Tatay habang nagmamaneho.
"Ite text na lang kita tay. Hingin ko po pala ang number niyo"
Napatili ako dahil sa biglaang pagpreno ni Tatay.
"May cellphone ka? Pinayagan ka na ni Carmina?" gulat na tanong nito. Napapikit ako nang maalala na wala pala dapat makaalam nito.
"A-ah pinahiram lang po sa akin ni P-Primo. I-isasauli ko din po kapag natapos na po kami sa project namin" pagpapaliwanag ko dito.
Naningkit ang mata ni Tatay habang tinitignan ako sa rearview mirror ng sasakyan.
"Duda ako dyan sa Primo na yan ha baka naman nanliligaw na sayo yan"
"Tatay naman. Hindi po promise project lang saka kung nanliligaw yun edi sana ipinaalam ko na po sa inyo kaso hindi talaga eh"
"Siguraduhin mo lang Vanya" nginitian ko lang si Tatay at kinuha na ang cellphone para makuha ko na ang number niya.
Tumigil kami sa isang mall.
"Text kita Tay ha mga 2 hours lang po siguro to Tay. Bibilisan ko lang po" tinanguan lang ako ni Tatay bago tuluyang umalis.
Dumiretso na ako sa Starbucks. Dito kasi ang napag usapan namin ni Primo na magkikita. Pagkapasok ko ay huminto muna ako sa tapat ng pinto at inilibot ang mata para hanapin si Primo.
Natanaw ko siyang nasa gilid. Dumiretso agad ako sa kanya pero bumagal ang lakad ko nang mapagtantong may kasama siyang babae. Nakalingkis ang babae sa kanyang braso habang masayang pinapanood ang nasa cellphone ni Primo.
Bumagal ang lalad ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumuloy o umalis na lang baka kasi makaistorbo ako sa dalawa.
Patalikod na sana ako nang mag angat ng tingin si Primo. Nginitian niya ako at kinawayan.
"Vanya" dahil sa pagkabanggit niya ng pangalan ko ay napatingin din tuloy ang kasama niyang babae sa akin.
Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa bago tumingin kay Primo. May binulong ito sa binata at nakita ko kung paano lumawak lalo ang ngiti ni Primo.
Nakaramdam ako ng inis habang pinagmamasdan silang dalawa. Sa hindi ko malamang dahilan ay tumalikod ako at nagmartsa palabas ng Strabucks pero hindi pa man ako nakakalabas ay may humawak na sa braso ko at ilang sandali pa ay nakatayo na sa harapan ko si Primo.
"Where are you going?" Nagtataka nitong tanong.
"Reporting ba ang pinunta mo dito o date?" naiinis kong tanong sa kanya.
"Reporting?"
Lalo akong nainis nang patanong ang sagot niya sa akin. Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pero binalik niya din naman ang kamay niya sa braso ko.
"Bakit parang di ka pa sure?" pikon kong sabi sa kanya. "Saka na nga lang tayo mag usap. Balikan mo na yung ka date mo" nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil naiirita akong isipin na mas uunahin niya pa talaga ang pakikipag date kesa sa reporting namin.
"Kuya, I need to go. Vincent is already outside" malambing na paalam ng babae
Napabaling ang tingin ko sa babae dahil sa sinabi niya.
Kuya kuya pa jojowain din naman.
"Nice to finally meet you Vanya. Kuya Primo told me that funny incident where you need to crawl in you classroom" natatawa nitong sabi bago ako hilahin para bigyan ng isang yakap at beso sa pisngi.
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)