Last night was really freeing. Matapos naming mag usap ni Primo ay naging magaan ang loob ko. Sa wakas matapos ang ilang taon ay tuluyang nakalaya ang mga lihim na matagal ko nang itago. Finally, I am free from the ghost of my past.
Nagising akong wala na ang mag ama ko sa aking tabi. Tinignan ko ang orasan at nakitang alas nuwebe na ng umaga kaya naman bumangon na ako. Pagkalabas ko sa kwarto ay wala din ang dalawa. I looked at the kitchen at nakita si Nanay.
"Nay nakita mo po sila Primo?" tanong ko dito
"Nasa labas at tinuturuan ng anak mong mag saranggola ang Tatay niya" natatawa nitong sabi. Napangiti naman ako sa sinabi nito.
Nagmamadali akong lumabas. Malayo pa lang ay rinig ko na ang malakas na tawa ni Uno.
"Papa hindi ganyan" tumatawa nitong sabi. Natanaw kong inaagaw nito ang tali mula sa ama at iminumwestra ang tamang pagpapalipad.
Dumiretso ako sa upuang kahoy at nakangiting pinagmasdan ang mag ama ko. Kung ganito ba naman ang umagang palaging bubungad sa akin ay hindi ako magsasawang bumangon ng maaga.
Napabaling sa direksyon ko ang tingin ni Primo. Kinawayan ko siya at nakitang may ibinulong ito kay Uno kaya napalingon din ito sa akin. He waved at me bago nagpatuloy sa pagpapalipad ng saranggola.
Ilang sandali pa ay nakita ko si Primo na naglalakad na papunta sa akin. Nakangiti itong nagkakamot sa ulo.
"Good morning" bati ko dito. He leaned towards me and give me a peck of kiss on ny lips. Bahagya pa akong nagulat sa ginawa nito.
Umupo ito sa tabi ko at hinawakan agad ang kamay ko.
"Good morning mahal. How's sleep?" tanong nito.
"So good" sabi ko at isinandal ang ulo sa balikat niya habang sabay naming pinapanood ang aming anak.
"Ang hirap naman ng mga laro ni Uno" reklamo nito na ikinatawa ko. "You know when I was in his age tanging PSP, LOL, Valorant ang alam ko but him lahat na ata ng physical games eh alam niya" proud nitong sabi.
"Iba kasi kapag nasa probinsya at iba kapag lumaking mayaman" komento ko dito.
"Mamaaaa" tumatakbo si Uno palapit sa amin. Nakabukas ang mga kamay at agad akong niyakap.
"Kumain ka na po?" tanong nito sa akin
"Not yet. Wala pa yung nagp prepare ng breakfast ko eh" paglalambing ko dito.
"We did it ni Papa po. Come" hinila ako nito at pinaupo sa nakahandang lamesa sa bakuran ni Nanay.
May nakahaing pagkain doon. Pandesal at itlog. May kape din na mukhang malamig na dahil tinanghali ako ng gising.
"Upo na po" ipinaghila ako ni Uno ng upuan. Natawa pa ako ng maunahan niya ang ama. Primo looked at me and smiled nang makita kung paano ako asikasuhin ng anak.
Nakangiti itong binuhat si Uno.
"You really loved your Mama ha" sabi nito at hinalikan ang pisngi ng anak.
"Opo naman cause she is the best Mama in the whole world" sabi nito at nag thumbs sa akin. It really warms my heart kapag sinasabi yun ni Uno.
"Go prepare yourself. Pupunta tayo sa school today for your card report" sabi ko dito.
Uno wiggled from the arms of his father. Kaya binaba siya nito
"Papa sasama ka po?" tanong nito at hinawakan ang kamay ng ama.
"Oo naman anak" bahagya nitong ginulo ang buhok ni Uno.
"What color of shirt will you wear?" tanong nito
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)