Chapter 38

881 25 1
                                    

"Kumain ka na?" tanong ni Primo kay Uno na ngayon ay nakakapit sa akin na parang tuko.

Tumango lang si Uno sa tanong ng ama. Tinignan ako ni Primo na tila ba naghahanap ng sagot.

"Baka nahihiya pa. Huwag mo munang biglain" mahina kong sabi bago ako lumuhod sa harapan ni Uno.

"Anak, are you okay? May gusto ka bang itanong kay Mama?" marahan kong hinaplos ang pisngi niya. Bakas sa mukha nito na naguguluhan siya sa nangyari.

Lumapit sa akin si Uno at ibinulong ang tanong niya na mukhang kanina pa naman niya alam ang sagot.

"Siya po ba ang papa ko?" bulong nito sa akin.

I looked at him at halata sa mukha nito ang kasabikan sa isasagot ko. I smiled at him bago ako tumango. Nanlaki ang mata nito at tinignan si Primo bago muling ibalik ang tingin sa akin.  Lumapad ang ngiti niya nang makumpirma ang sagot. Mabilis akong niyakap ni Uno.

"Thank you Mama" sabi nito sa akin "Sasabihin ko po kay Lolo Pancho" bumitaw ito sa pagkakakapit sa akin at tumakbo papasok ng kubo.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at agad na sumalubong sa akin ang nakabusangot na mukha ni Primo.

"What did he ask?" tanong nito at muling tinignan ang pinasukan ng anak. Sinubukan nitong sunduan ang anak pero bumalik din sa akin. Tila naguguluhan si Primo kung susundan ba ang anak o mananatili sa tabi ko.

"Ano ba! Para kang bulate na nilagyan ng asin. Hindi ka mapakali" natatawa kong sabi dito.

Huminto si Primo sa paglalakad bago nakapameywang akong hinarap.

"Who wouldn't be nervous?! This is my first time to see my son Vanya! I didn't even know na may anak ako sayo" tila proud pa siya sa sinabi niya.

"So anong sinabi niya? Ayaw niya ba sa akin? Bakit siya pumasok sa loob? Bakit ayaw niya....." tuloy tuloy ang tanong ni Primo.

Napangiti ako sa reaksyon nito bakas sa boses niyang kinakabahan siya ngunit hindi mo rin maitatanggi ang saya mula dito.

Nilapitan ko siya at hinaplos ang kanyang pisngi.

"Tinanong niya ako kung ikaw daw ba ang papa niya and I said yes. Nakita mo naman ang reaksyon niya di ba. He likes you so nothing to be nervous about" nagpakawala si Primo ng buntong hininga bago napapikit matapos marinig ang sagot ko.

"I am really out of words right now Vanya. I don't know what to say, how to react. I don't even know how to call him"

"Just take it slow. Lalapit din sayo ang bata baka nag w warm up lang" tumango siya matapos marinig ang sinabi ko.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko dito

"I came back at the restaurant and they said you run away. You never know how scared I am when they said you run away. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin" kinuha nito ang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit.

"Don't ever do that again"

"Ang alin?"

Malungkot ang mga mata ni Primo nang tumingin siya sa akin. Thousands of emotions and words are there. Unti unting bumilis ang tibok ng puso ko sa paraan ng pagtitig niya. He held my hand so tightly.

"Ang umalis ng walang pasabi. Ang umalis nang di man lang ako kinakausap. Ang umalis nang biglaan. Huwag mo nang gawin ulit, ang iwan ako, mahal" pagsusumamo nito.

I was out of words matapos marinig ang mga sinabi nito. The way he said those words was full of sincerity. Ramdam ko ang takot sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.

Monteverde Series #1: Journey to ForeverWhere stories live. Discover now