Chapter 34

780 20 2
                                    

Isa isang nagsipagpasukan ang mga guest sa hotel kung nasa saan kami ngayon. Tanaw ko mula sa kusina ang mga magaganda at gwapong lalaki na nagsipagdatingan. Mararangya din ang mga kasuotan ng mga ito. Mukhang mga nakakaangat ang may party ngayong gabi. 

Nag cater ang restaurant namin ngayong gabi para sa isang reunion. Nakangiting binati ng mga katrabaho ko ang mga pumapasok. Napakunot ang noo ko dahil tila pamilyar ang mga ito sa akin kaso hindi ko nga lang alam kung saan ko sila nakita.

"Vanya, sige na mukhang kailangan na nila ng tulong dun sa labas. Kami na ang bahala dito" sabi ng chef namin.

Iniwan ko ang ginagawa at agad na dumalo sa mga kasamahan ko.

"Vanya, dun sa gitnang table ikaw na maglagay ng mga drinks nila" sabi ng manager namin.

"Grabe, feeling ko mga anak milyonaryo tong mga to. Tignan mo naman kumikinang ang mga suot. Nasisilaw ako" pabulong na komento ni Michelle at tinakpan pa ang mata na ikinatawa namin ni Megan.

"Hmm, sana kuminang din ang mga mata natin mamaya sa tip" singit ni Megan.

"I agree" pagsang ayon ko dito.

Naghiwa hiwalay na kaming magkakaibigan para daluhan ang mga customer namin. Maingay at nagtatawanan ang karamihan sa lahat. Nagkakamustahan na tila ba talagang ngayon lang sila nagkita kita. May mga pumupunta pa sa ibang table para doon ituloy ang mga usapan.

May banayad na musika ang maririnig sa lugar. Ang ilaw ay naka dim at iba iba ang kulay. Tahimik kong nilalagyan ng inumin ang mga baso habang ang mga nasa table ay patuloy sa mga usapan.

"Andyan na ang mga Monteverde" nadinig kong sabi ng isang babae na tila kinikilig.

Hindi ko din tuloy maiwasan ang lingunin ang pintuan kung saan lumabas ang mga Monteverde. Mahinang mga bulungan at impit na tili ang mga narinig ko sa loob ng venue. Kahit hindi ganun kaliwanag ang buong lugar ay alam kong nasa kanila ang buong atensyon ng mga tao.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapalingon kung ganitong mga nilalang ang darating. Mula ulo hanggang paa ay wala kang masasabing kapintansan. Tindig at tikas pa lang ng mga ito ay manlalambot ka na. Talagang mapapa second, triple look ka pa dahil talagang namang napaka gwapo nila ngayong gabi.

Nakangiting sinalubong sila Pierce, Boaz, at Primo ng ilang kalalakihan at kababaihan. Nakipagkamay ang mga lalaki at nakipag beso ang mga babae. Ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang babaeng huling bumeso kay Primo.

Maganda ito sa suot niyang black gown. Nabigyang diin ng suot niya ang ganda ng kanyang pangangatawan. Idagdag mo pa ang mahaba at itim na itim nitong buhok.

Nakita ko ang pagngiti ni Primo nang lapitan siya ng babae at hindi man lang ito tumutol ng iangkla ng babae ang kamay nito sa braso niya.

Napalunok ako sa nakita ko.

Ano ka ba Vanya! Hindi ito ang oras para sa mga nararamdaman mo! Nasa trabaho ka kaya dapat sa trabaho lang ang focus mo!!

Inalis ko sa aking isipan ang nakita ko at naglakad pabalik sa may buffet table ngunit habang naglalakad ay muling dumaan sa isipan ko ang mukha ng babae.

"Kilala ko siya!" mahina kong bulalas nang maisip kung sino ang babaeng nakita ko.

Muli kong nilingon sila ni Primo na ngayon ay magkatabing nakaupo sa lamesa at masayang nagtatawanan kasama ang mga pinsan nito.

"A-Angel?" Di ko makapaniwalang banggit sa pangalan ng isa sa mga una kong naging kaibigan sa kolehiyo.

Isa isa kong tinignan ang mga taong nasa loob ng venue at tila nanikip ang dibdib ko nang mapagtanto kung sino ang mga nandito.

Monteverde Series #1: Journey to ForeverWhere stories live. Discover now