Chapter 37

780 28 0
                                    

Sariwa ang hangin na humahampas sa aking pisngi habang nakatanaw ako sa malayo.

"How are you hija?" tanong ng Daddy ni Primo.

"Ayos lang naman po" nahihiya kong sagot dito. Hindi ko siya magawang tignan dahil sa mga nangyari sa nakaraan.

Alam ko kung ano ang ginawa ng pamilya ko sa kanila kaya paano ko haharapin ang lalaking nakatayo sa tabi ko.

Tulad ko'y nakatanaw din si Sir Pancho sa malawak na palayan na nasa harapan namin. Ang daddy ni Primo ang naghatid sa amin dahil tulad ng sabi niya ay marami kaming dapat pag usapan higit lalo ang tungkol kay Uno.

"I'm happy to hear that. Alam kong hindi rin naging madali sayo ang mga nangyari Vanya" lumapit ito at hinaplos ang palad ko.

Napatingin ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Nag init ang sulok ng mga mata ko dahil sa pinapakita nitong kabutihan simula pa nang magkita kami. I don't deserve their kindness. Mas magiging madali sa aking intindihin kung magagalit siya sa akin pero ibang iba ang ipinapakita niya.

Huminga ako ng malalim bago naglakas loob na magtanong dito.

"H-hindi po ba kayo galit sa akin? Pamilya ko po ang dahilan kung bakit kayo nawalan ng asawa at muntik na ring mawalan ng anak" nanginginig ang boses ko habang itinatanong ito. Pilit na pinipigil ang mga luha na nagbabadyang tumulo.

"Ikaw ba ang pumatay sa asawa ko?" may kirot sa puso ko nang banggitin niya ang yumaong asawa. Umiling ako sa tanong niya sa akin.

"Pero ako po ang bumaril kay Primo" pagpapaalala ko dito.

"Yun nga ang dapat kong ipagpasalamat sayo. Kung hindi mo yun ginawa baka pati ang nag iisa kong anak ay di ko na kasama ngayon" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Alam na ba niya ang katotohanan sa pagbaril ko kay Primo?

Mahinang tumawa si Sir Pancho nang makita ang reaksyon ko bago niya haplusin ang buhok ko.

"Vanya, your sister told me everything about what happened that night. Kung bakit kailangan mong gawin yun sa anak ko kaya salamat Vanya" pinisil nito ang kamay ko.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga dahil sa pagnanais na pigilan ang aking mga luha. Yumuko ako para itago ang emosyong nadarama ko.

"Alam kong mabuti kang bata hija. Hindi pa man kita kilala ay wala nang ibang ginawa si Primo kundi ang purihin ka sa harapan namin ng Mommy niya. How you resembles his mom in all that you do. Noon pa man alam kong talagang tinamaan ang unico hijo namin sayo" natatawa nitong sabi dahilan para mapangiti ako.

Nanatili akong nakayuko para pakinggan ang mga sinasabi nito. Marahan ang haplos niya sa aking buhok. Tila haplos ng isang ama sa kanyang anak.

"When I met you, kilala na kita. Alam kong isa kang Mendez" napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi nito.

"Mahigpit kaming magkalaban ng daddy mo sa business but we never take it personally. Whenever we see each other in the event, he would always tell me that his daughter is making him proud. He will show your picture to me saying that one day you will not have to hide under their shadows, that one day you will spread your own wings and fly"

Nag iwas ako ng tingin dito dahil sa sinabi niya. I never thought that Daddy would do that. I never thought that he has the guts to let someone know na may anak siya sa labas. I thought he was ashamed of me dahil parte ako ng pagkakamali niya.

Mahina akong humikbi dahil parang tinutusok ng maliliit na karayom ang puso ko matapos marinig ang sinabi ni Sir Pancho.

Lumapit sa akin si Sir Pancho at iniyakap sa akin ang kanyang braso. Hinagod niya ang braso ko para patahanin ako.

Monteverde Series #1: Journey to ForeverWhere stories live. Discover now