Chapter 43

787 23 1
                                    

Kumakaway si Boaz habang papalapit kami sa table kung saan sila nakaupo ngayon kasama si Pierce, Sir Pancho, dalawang bata at may isang babae at lalaki.

Nagpababa agad si Uno sa ama at tinakbo ang kanyang Lolo Pancho.

"I miss you Lolo" sabi nito habang nakayakap sa beywang ng Lolo.

Napagpasyahan ng pamilya ni Primo na pumunta sa isang beach para naman daw makapag relax relax at makapag bonding na din. Tunay nga ang sinabi nila talagang makakapag relax ka sa ganda ng tanawin kung nasaan kami ngayon.

Kulay puti na buhangin. Kulay asul na dagat. Sariwang hangin. Kulay berdeng kapaligiran. Payapang huni ng mga ibon. Makakalimutan mong nasa Pilipinas ka pa rin dahil sa ganda ng lugar.

"Hello po" nagmano ako kay Sir Pancho nang makalapit ako sa kanya. Niyakap naman ako nito ganun din ang kanyang anak.

Napansin ko ang babaeng nasa table na nakatingin sa akin at nakangiti. Pamilyar sa akin ang babae tila ba nakita ko na ito.

"Calixta" sabi ni Primo at binalot sa isang mahigpit na yakap ang babae.

"Dadaaaa" sigaw ng isang batang babae at lalaki bago yumakap kay Primo.

Calixta, Calixta!!!!!!

Tama siya yung babae dati na pinagselosan ko dahil hindi ko alam na pinsan pala siya ni Primo. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Hi, Nice to see you again Vanya" nakangiti nitong sabi at hindi pa nga ako nakakasagot ay niyakap na ako nito.

"I'm so happy that finally magkasama na kayo ni Kuya Primo. Nagbunga din ang pag aalay niya tuwing gabi" natatawa nitong sabi.

"Alay?" nagtataka kong tanong.

"Calixta!" saway ni Primo kaya naman mahina na lang napahagikgik ang magandang babae.

"Twins, come here. Say hi to your tita Vanya" tawag nito sa mga bata.

Lumapit agad ang dalawang bata at tumayo sa harapan ko. Naramdaman ko naman ang presensya ni Primo sa aking likuran. Pinagapang nito ang kanyang kamay sa aking beywang at hinigit ako palapit sa kanya.

"Hi po I'm Octavia and this is Kuya Lincoln" masiglang bati ng batang babae sa akin.

"You can also call us L or O para po mas madali" dagdag ni Lincoln.

"Anak mo?" tanong ko kay Calixta.

"Yup. Di ko nga lang kamukha nagmana sa tatay eh" sabi ni Calixta at ininguso ang lalaking nasa lamesa at mukhang may ka meeting sa laptop.

Lumingon ito sa direksyon namin at bahagyang ngumiti at kumaway bago muling tumuon ang tingin sa laptop.

"Vincent Villafuerte, my husband" pakilala ni Calixta sa asawa niya.

"Mama, laro na po ako" sabi ni Uno at lumapit sa amin ng kanyang ama.

"Uno, say hi first to your Tita C" sabi ni Primo. Umupo naman si Calixta para magtama ang mga mata nila ni Uno.

"Oh my gosh. Para akong bumalik sa childhood natin. This is your face when you were his age kuya" di makapaniwalang sabi ni Calixta at pinisil pisil pa ang pisngi ng bata.

"I know. So stop pinching my son's face" saway nito sa pinsan. Lumipat ang tingin ni Uno sa mga pinsan niyang nakatingin lang sa kanya.

"Gusto niyo maglaro?" tanong nito. Sabay na tumango ang dalawang bata.

"Tara" hinawakan niya ang kamay ng mga pinsan niya at hinatak ito palapit sa dalampasigan.

"Huwag malapit sa dagat" sigaw ni Pierce sa mga ito. Sabay sabay namang nag thumbs up ang tatlong bata para ipaalam na narinig nila ang bilin ng kanilang tito.

Monteverde Series #1: Journey to ForeverWhere stories live. Discover now