Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat ngunit hindi iyon sapat para pagaanin ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko mapigilan ang pagluha at paghikbi ko habang pinunasan iyon. Inalis ako ni Primo sa hotel at dinala sa isang tahimik na lugar. Nakaupo ako ngayon sa damuhan habang hawak ang aking dibdib at mahinang hinahampas yun.
Naramdaman ko ang paglapat ng coat ni Primo sa aking balikat marahil para hindi ako lamigin. Ilang sandali pa ay tinabihan na rin ako nito. Tahimik lang nitong pinapakinggan ang aking pagtangis habang marahang hinahaplos ang aking kamay.
"Galit ba sa akin ang Diyos Primo? Grabe namang parusa ang ibinigay niya sa akin." inis kong hinampas ang dibdib ko para maibsan ang sakit na nararamdaman pero agad din itong hinawakan ni Primo para pigilan ako.
"Stop hurting yourself" inis na sabi nito.
"Wala nang mas sasakit dito" umiiyak kong tinuro ang puso ko. "Ang sakit sakit Primo. Para akong dinudurog ng paulit ulit. Wala akong kaalam alam na matagal nang patay si Daddy buong akala ko ay nagpapagaling lang siya at balang araw ay hahanapin niya ako at magkikita kami. Umaasa ako Primo na masisilayan ko pa siya.Tatay ko yun eh kaya sobrang masakit" humagulgol ako ng malakas nang maisip na lahat ng mga pangarap ko ay hindi na maari pang manyari.
Hinawakan ni Primo ang batok ko at hinila ako para yakapin. Mahigpit ang yakap niya at mainit ang mga haplos niya sa aking likuran.
"It pains me seeing you like this Vanya but I know you have to release it, so just do. I'm here hanggang sa wala ka nang luha na mailuha, hanggang sa maging magaan na ang ang nararamdaman mo ay nandito pa rin ako. Maghihintay palagi sayo"
"Bakit kasi parang may galit ang mundo sa akin eh. Lahat na lang ng mahal ko kinukuha niya. Una si Mommy tapos ikaw, si Kuya Dave, ngayon pati si Daddy. Wala bang balak ang Diyos na mag iwan ng makakasama ko! Ang daya niya naman eh!!!"
"Hindi naman ako nawala eh. Nandito pa rin naman ako at wala akong balak iwan ka Vanya. Sasamahan kita" seryoso nitong sabi na lalong mas nagpasikip sa nararamdaman ko.
"P-pero Primo, sinaktan kita. Niloko kita. I almost killed you. My family ruined your family." pagpapaala ko sa mga bagay na ginawa ko sa kanya.
"B-baka naawa ka lang sa akin kaya ka....."
hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Primo."Nagalit ako sayo noon. Hindi ko itatanggi yun. Pinilit kitang kalimutan dahil sa nangyari. Sinubukan kong maghanap ng iba pero walang makapantay sayo" humigpit ang yakap sa akin ni Primo
"I know what you are feeling right now Vanya. You remind me of myself nang mga panahong pinagluluksa ko rin ang pagkawala ni Mommy. I know the pain of losing a parent kaya mas masakit na makita ka ngayon sa ganitong sitwasyon" sinilip ni Primo ang aking mukha na ngayon ay nakahilig sa kanyang dibdib.
Hinawakan niya ang aking baba at inangat iyon para magtama ang aming mga mata. Kahit puno ng luha ang aking mga mata ay nakikita ko din ang sakit na nasa mga mata ni Primo. Nakita ko kung paanong tumulo ang kanyang mga luha habang inaabot ng kanyang mga daliri ang aking pisngi. Marahan niyang pinawi ang aking mga luha.
"But all those hurt and pain that caused me Vanya, hindi yun sapat para makalimutan ko ang pag-ibig na meron ako para sayo, ang pag-ibig na pinaramdam mo sa akin. When I lost my mom, I also lost you and that kills me even more. Ang hindi ka makita, ang hindi ka marinig, ang hindi ko alam kung nasaan ka, bawat araw ay parusa Vanya"
"I hurt you Primo. I created the biggest scar in your heart" hinawakan ko ang dibdib niya kung saan ko naramdaman ang mabilis na pagtibok nito. Nakita ko ang pag angat ng labi ni Primo na tila napangiti sa sinabi ko.
"But I love you Vanya" pinagdikit nito ang noo naming dalawa habang sabay ang pag iyak namin.
"Please, let's stop bringing back the past" nakapikit nitong sabi. "Masyadong masakit ang mga nangyari sa nakaraan pero Vanya ayoko nang saktan pa lalo ang sarili ko. Ayoko nang lokohin pa ang sarili ko. Mahal kita at kahit anong gawin ko, ikaw pa rin ang pinipili kong mahalin. So please, itigil na natin to." nagmamakaawa nitong hiling sa akin.
"Primo....."
"Alam kong nasasaktan ka ngayon kaya hindi mo kailangang sagutin ang mga narinig mo sa akin. Gusto ko lang malaman mo na mahal kita at tulad ng pangako ko sayo noon, hindi ka mag-iisa sa laban mo dahil makakasama mo ko. Sana hayaan mo kong tuparin yun Vanya. Hayaan mo kong maging sandalan mo sa mga sandaling ito. Hindi ako magrereklamo kung gagawin mo kong sandalan, unan, o panyo mo sa mga sandaling ito. Gusto ko lang tuparin ang mga pangakong hindi ko nagawa dahil sa nangyari sa atin noon. Hayaan mo kong samahan ka Vanya"
Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Primo.
What did I do to deserve this kind of man.? A man that is true to his words and never get shy to admit his true, genuine, and pure intentions.
Masakit na masaya ang puso ko ngayon. Masakit sa mga nalaman ko ngunit masaya dahil ngayon hindi ako nag iisa. Hindi tulad noon na lahat ay sinasarili ko ngayon ay may handang dumamay sa aking dinadala. Mabigat at masakit man ang nararamdaman ko ngunit sa mga haplos, halik, at yakap ni Primo ay napapawi ang lahat dahil alam kong kahit matapos man ang sandaling ito ay mayroong taong maari akong takbuhan at sandalan. For once, pwede kong maramdaman na mahina ako.
Walang salitang lumabas sa aking bibig. Iniyakap ko ang aking mga braso sa kanyang beywang at isiniksik ang aking sarili sa kanyang leeg at doon umiyak ng tahimik.
Isang mainit na yakap ang bumalot sa akin. Kasabay ng mga hikbi ko ay ang paghaplos ni Primo sa aking pisngi.
"Mahal kita Vanya" paulit ulit niyang binabanggit habang pinapatahan ako.
Tumingala ako para makita ang gwapong mukha ni Primo. Nakangiti siyang sinalubong ang aking mga tingin. Umangat ang aking kamay para haplusin ang kanyang pisngi. Muling kunirot ang puso ko nang mahawakan siya.
Paano ko nagawang saktan ang lalaking pinakamamahal ko?
"Sorry Primo. Sorry for my wrong decisions and actions I made that caused so much pain to you. Sorry, sorry" iyak ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"Shhhhh, don't worry about the past. We have all time to talk about what really happen" nakangiti nitong sabi.
I nod on what he said. Pinilit kong ngumiti bago ko kintalan ng isang halik sa labi si Primo. Nanalaki ang mata nito sa ginawa ko.
"Mahal na mahal kita Primo. Hindi nagbago yun. Ikaw pa rin hanggang ngayon" pagtatapat ko sa tunay kong nararamdaman. Nakadama ako ng kaginhawaan matapos aminin ang nararamdaman sa lalaking nasa harapan ko.
Muli kong inilapat ang aking ulo sa kanyang dibdib. I heard Primo's soft chuckle bago niya patakan ng halik ang aking ulo.
"I love you more mahal" mahina niyang bulong sa akin bago ako ikulong sa kanyang mga bisig.
My rainbow after the rain is now back.....
![](https://img.wattpad.com/cover/320905058-288-k39209.jpg)