Chapter 13

499 16 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at hanggang ngayon ay di pa rin ako nakakapag desisyon kung dapat ko bang ituloy ang pagm model.

"Palagi na lang malalim ang iniisip mo" nag angat ako ng tingin nang patagilid na umupo si Primo sa arm chair ko.

Napabuntong hininga ako at sinandal ang aking ulo sa likuran niya.

"Tungkol pa rin ba yan sa offer sayo?"

Hindi agad ako nakasagot dahil unti unti na namang bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing malapit talaga sa akin si Primo ay kumakarera ang pintig ng puso ko.

Napabuntong hininga ako bago siya tinignan. Nakayuko siya upang magtama ang mga mata namin.

"What should I do? Go or no?" naguguluhan kong tanong dito. Saglit akong tinitigan nito bago siya tumayo.

Hinila niya ang upuang nasa harapan namin paharap sa pwesto ko at doon umupo.

"Alam mo kung ma s stress ka lang sa mga pwedeng mangyari then don't accept it but if you think that will make you happy then go" diretso ang titig nito sa akin.

I looked into his eyes that is full of sincerity. Sa tuwing may sinasabi siya sa akin pakiramdam ko lagi yung tama lalo na kung ganito siya ka seryosong tumitig sa akin. Baka nga kapag sinabi nitong flat ang mundo maniniwala ako eh.

Napapitlag ako nang dumapo ang mga kamay ni Primo sa dalawang pisngi ko at marahang hinaplos ang ilalim ng mata ko.

"Hindi ka ba nakakatulog ng maayos? Parang nagkaka eyebags ka na" seryoso nitong sabi. Pabiro kong tinabig ang kamay niya paalis sa mukha ko.

"Akala ko naman kung ano. Nakakatulog naman syempre."

"Good morning class" sabay kaming napatingin ni Primo sa kakapasok lang naming teacher.

Tumayo na siya at umupo sa katabi kong upuan.

"Tell me if I need to sing for you to sleep. I'm always waiting for your call, okay?" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Waiting for my call????

"Wala akong load kaya wag ka nang umasang matatawagan kita"

"You'll never know" sabi nito at kinindatan ako at ilang sandali lang ang lumipas ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ni Primo sa bulsa ko.

Pasimple kong tinignan yun at nanlaki ang mata ko nang mabasa na may pumasok na load sa akin worth 1k.

"So, I'll wait for your call later" naramdaman ko ang mainit na hininga ni Primo sa tenga ko. Hinarap ko siya para sana sabihing bawiin ang malaking halaga na niload niya sa akin pero mukhang mali ang naging desisyon ko.

Halos magtama ang aming mga ilong sa lapit ng aming mga mukha. Dama ko ang paghampas ng kanyang mainit na hininga sa aking mga pisngi at labi. Lalo kong nararamdaman ang kabang ngayon ay halos tumalon na palabas ng dibdib ko.

Pero hindi pa dun natapos ang pagwawala ng sistema ko lalo nang biglang patakan ni Primo ng halik ang tungki ng aking ilong. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya habang siya ay napakalaki ng ngiti sa kanyang mga labi habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Vanya, Primo" sabay kaming naghiwalay ni Primo nang marinig ang pagkakatawag ng pangalan namin.

"Alam kong nasa sweet stage pa kayo ng relationship niyo but do not display too much PDA. Mahiya naman kayo sa mga single dito oh" pang aalaska ng teacher namin.

Buong akala ko ay nagalit siya dahil sa ginawa ni Primo pero siya pa tong unang nang aalaska sa amin kaya naman sumabay na din sa pang aasar ang mga kaklase namin.

Monteverde Series #1: Journey to ForeverWhere stories live. Discover now