Chapter 41

799 26 1
                                    

"Grabe ang bilis mong lumaki Uno. Dati pinagpapasa pasahan ka lang namin ngayon di ka na namin mabuhat" sabi ni Megan habang pinanggigigilan ang matabang pisngi ng bata.

Mahina namang hinampas ni Michelle ang kamay ni Megan.

"Wag mong lamugin yung bata" saway nito bago halikan ang magkabilang pisngi ng anak ko.

"Papa, Tito" sigaw ni Uno nang makitang kakalabas lang sa function room ni Primo, Pierce at Boaz.

Tumakbo ito palapit sa mga Tito niya at niyakap ang beywang nito.

"Are we gonna play today?" excited nitong tanong sa dalawa. Simula nang malaman nila ang tungkol kay Uno madalas na ang dalawa na bumisita sa bahay para makipagbonding sa pamangkin.

"Not now today baby. May pupuntahan tayo nila Mama" sabi ni Primo. Napatingin ako kay Primo dahil maging ako ay walang alam na may lakad pala kami ngayon.

"It's a surprise mahal" nakangiti nitong sabi.

Ilang sandali pa kaming nag stay sa restaurant dahil ayaw pa kaming paalisin ng mga pinsan ni Primo at namiss daw nila si Uno. Talagang bumabawi ang mga ito sa bata.

Pinagmamasdan ko ang daang tinatahak namin ni Primo.

"Saan ba tayo pupunta?" nagtataka kong tanong dito.

"Just wait" seryoso nitong sabi.

Muli kong nilibot ang aking tingin sa labas. Maganda ang lugar. Payapa ngunit hindi para sa mga buhay kundi para sa mga patay.

"Are we going to your mom?" tanong ko dito. Tumigil si Primo at tinignan ako.

"We're here" nakangiti nitong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya yung pinisil.

"Daddy, found your dad" napigil ko ang paghinga dahil sa sinabi nito. Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko napaghandaan ang araw na ito.

Oo, alam kong wala na si Dad pero di ko inaasahan na mahahanap ko agad siya. I was just planning to look for him pero ngayon na nandito na ako sa lugar kung siya nakahimlay parang di ko pa ata kaya.

Tumingin ako sa labas at nakita ang mga lapida na nasa lupa. Nasaan kaya ang kay Dad dito? Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata at ang pagbigat ng aking dibdib. Ang hirap pala. Ang hirap palang sa ganitong pagkakataon mo na makikita ang mahal mo sa buhay.

"Vanya, you're not alone. Nandito kami ng anak natin to be with you this time" malambing na sabi ni Primo sa akin.

Tumango ako at huminga ng malalim.

"Stay with me okay?" naiiyak kong tanong dito

"We will Mama" hinawakan ni Uno ang kamay kong hawak ng kanyang ama and that moment I know that I can do this because I have the great support system.

Magkahawak kamay kaming naglakad ni Primo. Sinusulyapan ko ang bawat lapidang nasa lupa dahil baka isa na dun ang kay Dad takot na baka malagpasan ko siya.

Huminto si Primo sa paglalakad kaya naman napahinto din ako. I hitched my breathing nang makita ang lapidang nasa harapan ko. Mabilis ang mga luhang kumawala sa aking mga mata. Walang tunog ang aking iyak tanging luha lamang ang lumalabas sa akin.

Tatlong beses akong huminga ng malalim at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Pinilit kong ngumiti bago lumuhod at hawakan ang lapidang nasa harapan ko.

"H-Hi D-dad" panimula ko. Sinubukan kong huwag umiyak pero hindi ko kaya dahil sobrang sakit ng puso ko.

"It's b-been a while huh" umiiyak kong bati dito habang hinahawakan ang litrato niyang nakangiti sa lapida.

Monteverde Series #1: Journey to ForeverWhere stories live. Discover now