Beloved Tyrant 1

188 5 1
                                    

RASHMIN

"Yes Sir. Copy... we're walking inside--will update later. They're here."

Nilingon ko ang kasama kong si Darleen saka nakangiting hinarap ang apat na armadong kalalakihan.

"Are you two sent by Mr. Wrath?"

"Yes handsome."

"Stunning..."

Lumapit ang dalawa sa amin at marahan na kinapkapan sa buong katawan. Nakasuot akong above the knee yellow silk dress with low neckline. Perfectly fitted with my curvy body.

Halos lumuwa ang mga mata ng mga guwardiya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngali-ngali kong baliin ang braso ng lalaking kumakapkap sa akin ng lamasin nito ang dibdib ko. Na para bang may siniksik ako doon na armas. Kaso hindi ako pwedeng magreklamo at baka mabuking ako kaya pinanatili ko ang plastik kong ngiti sa aking mga labi. I'm pretending as a whore this time so I need more patient just not to disclose my real identity.

Sinasadya kong ipakita ang cleavage at legs ko sa bawat lakad ko to distract the attention of our rivals. And everything was a job well done. Just a little act and trick to the filthy old man in front of me, boom... mission accomplished. Kunting kembot ko na lang matutunton ko din kung sino talaga ang mastermind sa pagpatay ng mga magulang ko. Even those foolish people who hired me thought I'm on their side, hmmp... dream on. Lintik lang talaga ang walang ganti.

"All clear, Sir." sabi nito sa hawak na walkie-talkie radio. "Copy Sir." binalingan kami. "This way beautiful." he bit his lower lip then wink at me.

Yucks filthy animal...

Nginitian ko siya ng matamis pero sa utak ko pinapatay ko na siya, tinatadtad ng pinong-pino na parang corn beef at sinisilid sa lata.

Naunang humakbang ang dalawang lalaki, sa gitna kami at dalawa naman sa hulihan. Kaagad akong sinalakay ng kakaibang kaba habang naglalakad papasok sa loob ng building. Pasimple kong ginagalaw ang kamay kong may suot na singsing with hidden camera in it.

The whole area screaming of luxury wrapped in it. Dumoble ang kaba ko ng mapansin kong high-tech ang pagkakagawa ng mga pintuan.

They must be well equipped. Ang daming camera at nagkalat din ang mga tauhan.

May combination number 'yong ibang nakita kong ginamit pagbukas ng pinto at swipe key card pero ng makalampas na kami sa second floor mata, mukha at finger prints na ang gamit nila. Just my luck... I wore my four pair earrings with hidden camera.

Pagdating namin sa fifth floor naghiwalay na kami ni Darleen. We looked at each other first before we entered at different room.

Nakangiting iginala ko ang aking paningin. Halos lahat puro ginto ang kulay ng buong paligid ng kwarto. Tanging ang sapin at unan sa kama ang naiibang kulay. Pati ang bulaklak sa center table with red bottle wine and two goblet. Humakbang ako doon at nagsalin ng wine ng marinig kong nag-flushed ng banyo ang matandang pangatlong biktima ko ngayon. Nilagyan ko ng pampatulog ang isa and ofcourse 'yon ang hinawakan ko at marahan na hinalo habang hinihintay ang paglabas nito. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng isang matipuno at gwapong binata ang lumabas ng banyo. Napakalayo sa matandang nangangalang Fernando Del Carpio.

Laglag ang panga at namimilog ang aking mga matang pinasadahan ng tingin ang kabuuan nito. He's half naked, wearing only the white towel wrapped around his waist. He's so tall, with toned muscles and broad shoulder. Napalunok ako sa nakikita kong pandesal sa kanyang tiyan. Parang ang sarap isawsaw sa red wine na hawak ko. Bumaba pa ang tingin ko sa nakatapis na tuwalya nito pero kaagad din akong umiwas ng tingin doon.

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon