Beloved Tyrant 37

39 3 0
                                    

RASHMIN EL SALVADOR

YEARS passed.

Consistent naman ang pinapakitang kabaitan ni Rald. Bumawi ng todo. Nilampasan yung expectation ko. Super sweet siya at maalaga. Namuhay akong prinsesa. Araw-araw na pinagsisilbihan at nililigawan. Syempre ako first time maka-experience ng ganun, so, ayun kilig na kilig. Tapos si Rald nahuli ko din sa kusina na ngiting-ngiti at napapasuntok pa sa hangin saying YES!

Wala din akong marinig na anumang reklamo kahit anong gawin kong pagpapahirap sa kanya maliban sa hindi ako pumayag matulog sa master bedroom. Araw-araw siyang nagrereklamo do'n.

Nahanap ko rin yung secret door na dinadaanan niya para pumuslit sa kwarto namin ni Ryker tuwing natutulog na ako. Pinaharang ko doon yung malaking devider. Nagwala siya pero hindi pa rin umubra sa'kin.

Very hands-on Dad rin siya. Kahit pagod na pagod sa sandamakmak at sunod-sunod na utos ko sa kanya araw-araw, may oras pa rin siya sa anak namin. Minsan ginagamit pa si Ryker para lumipat na kami sa kwarto niya pero hindi siya nagtagumpay.

Hanggang ngayon mainit ang ulo niya do'n sa devider.

“Pagkatapos mo diyan kumain--”

“Parang mas gusto kitang kainin ng buo kaysa dito sa niluto mo na habang tumatagal lalong nawawalan ng lasa.”

“Nagrereklamo ka--”

“Of course not!” agap niya. “Its a compliment. Galing mo kaya magluto--promise. Siguro kung mag-aapply ka ng work as Cook sa Nursing Home tanggap ka kaagad.”

I frowned. “Nursing Home?”

“Yeah. A private institution providing residential accommodations with healthcare, especially for elderly people.”

“Uh,” tumango-tango ako. “Kung ganun swak na swak pala yung lasa ng niluto ko sayo.”

“Pa'no mo nasabi e hindi naman nagbago yung panlasa ko sa pagkain? I'm sure ginagawa mo 'to kasi naghahanap ka lang ng dahilan para kapag nagreklamo ako e 'di ligwak na 'ko. That's your point.”

“Dami mong sinabi wala namang tumugma sa iniisip ko. Masyado lang talaga advance yang utak mo na puro negative ang laman.”

“Sus kunwari ka pa.”

“Ayaw nito maniwala. Hindi naman kita niluko pero bakit parang ikaw pa itong may trust issues sa'kin?”

“O sige nga, bakit mo nasabi na swak na swak sa'kin 'tong parang tubig lang na sinigang mo?”

“Sabi mo hindi ka nagrereklamo? Bakit yang tono mo--”

“Hindi talaga ako nagrereklamo.” sabay higop ng sabaw. Natawa ako ng gawin niya iyon habang nakatitig sa'kin. Umakto pa na tila sarap na sarap. Nangasim pa ang mukha. “The best sinigang I've ever tasted. I swear!”

“Now I get it why you said papasa ako as cook sa Nursing Home.”

“Bakit?”

“Isa ka na do'n sa Elderly--”

“Hey--Rashmin!” bulyaw niya.

I laughed. “Matanda ka naman na talaga ah.”

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. Malagkit pang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Literal na huminto sa gitna ng hita ko saka nakangising nag-angat ng tingin sa akin. Makahulugan akong tinitigan sa aking mga mata. Biglang nanuyo naman ang lalamunan ko. Napalunok ng wala sa oras.

“Baka gusto mong pakitaan kita ng lakas hindi ka makalakad ng ilang linggo.”

I loudly gasped. My face heats up right away. Umariba kaagad ang marumi kong utak. Pinagtawanan niya naman ako sa naging reaksyon ko.

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon