Beloved Tyrant 31

50 3 0
                                    

RALD JAMES GONZALVO

“Did I take him for granted?” tanong ko sa kanila habang nakasunod ang tingin kay Curtis.

Tinapik ako ni Migz sa balikat. “Diba sinabi ko na sayo, kung ano yung narinig mo palabasin mo na lang sa kabila ng tainga mo.”

JM clicked his tongue. “C'mon will follow him.” malalaking hakbang itong sumunod kay Curtis na pasakay na ng motor.

Nagkatinginan kami saka sumunod na rin sa kanya. Sa back seat kami naupo. Sa unahan naman si Keith katabi ni JM na nasa driver seat. Tahimik naming sinundan ang motor ni Curtis.

“Sinong kausap mo, Ry?” tanong ni Keith na palinga-linga sa labas. “Busy masyado ah.”

Sinulyapan lang nito si Keith saka muling niyuko ang cellphone. “Yung kaibigan ko sa media. Pina-delete ko yung ibang video. Na-briefing ko na din kung anong idadahilan kung bakit nandun tayo.”

“Lagot na naman ako nito kay Mom pag-uwi.” sabad ni Migz.

“Muntik na ako kanina. Nakalimutan kong may media pala.” wika ni JM. “Hindi niyo man lang pinaalala sa'kin mag-suot ng disguise.”

“Sino pa bang makakaisip no'n sa dami ng nangyayari ngayon?” wika ni Keith. “Pero may napansin ako kanina.”

“Meron din akong napansin,” segunda ni Migz.

“Me too.” wika ni JM. “He looks suspicious. Nakita ko pa do'n sa Astoria columbarium.”

Napaahon ako sa kinasasandalan na upuan. “Nakita mo pa siya e galing kayong Police Station?”

“Are we referring to the same person?” chorus nila.

“Lalaking naka-black jacket.”

“Nakasakay sa red motorbike.”

“Naninigarilyo habang nakatanaw kay Curtis.”

Chorus na namin.

“Ako lang yata yung ibang nakita.” lahat kami napabaling kay Third. “I saw a girl... with color red linda cut hair. Naka black overall na leather clothes. Naninigarilyo din habang nakatanaw kay Curtis. Nakasakay ng red mortorbike. Nandun din siya sa Astoria pero may kasama na siya, nakaangkas sa likod ng motor niya, black girl.”

Nagkatinginan kaming lima.

“Naiisip niyo ba ang naiisip ko?”

“Yeah--”

“Iba yung naiisip ko.” sabad ni JM kina Migz, Ryan, and Keith. Nakatutok pa rin ang mga mata sa kalsada. Mabilis ng pinapatakbo ang kotse. “Iba din yung pagkakaintindi ko dun sa huling sinabi ni Curtis sayo, James.”

“What do you mean?”

Umiling ito. “Pakiramdam ko may malalim na kahulugan yung mga katagang binitawan niya.”

“Same thoughts.” segunda ni Third. “Napapaisip din ako kung sino yung sumundo kay Santos sa police station. Tapos si Suarez hindi ko na din matawagan.”

“Baka si Suarez ang sumundo--”

“Wait...” nilingon kami ni Keith. “Hindi niyo ba napapansin na yung tatlong private investigator mismo natin ang tinatarget nila?”

“Yeah, right.” napaayos din ng upo si Migz. “I think Curtis knows everything kaya yung mag-ina niya ang tinarget but... how did they find out about Curtis family? Walang nakakaalam na may asawa't anak si Curtis maliban sa atin na malapit sa kanya.”

“It's Darleen...”

“Wow, you're not on her side anymore, bro?” nakatawang tanong ni Migz. Sinamaan ko ito ng tingin. Mapakla naman itong tumawa sabay taas ng kamay. “Kung hindi pa 'to nangyari hindi mo pa makikita na santa-santita ang babaeng yun e.”

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon