Beloved Tyrant 47

51 4 0
                                    

RASHMIN EL SALVADOR

“Gandaraaa!”

“Rashmiiiin!”

“Misis Gonzalvooo!”

“El Salvadoooooor!”

Narinig kong sigaw sa labas makalipas ang mahabang oras pagkaalis ni Rald. Sumilip ako sa bintana. Nang makita kong mga tauhan iyon ni Rald dali-dali akong lumabas ng bahay at sinalubong sila.

“Anong nangyari?” nag-aalalang tumanaw ako sa kanilang likuran. “Where's Rald? May nangyari ba sa kanya?”

“He knows the truth.” wika ni Craig.

“Truth? Anong truth?”

“The DNA result.” sagot ni Rob.

Natigilan ako sa aking narinig. Bahagyang napaatras. “He... He must be very mad at me--”

“And furious too!” dugtong ni Drake. “Binugbòg niya sina Clayde and Cyrus.”

“He's on the way back here.” segunda ni Spyke sabay hatak sa braso ko. “Sumama ka sa'min. Hindi ka niya pwedeng abutan--”

“NO...” sabay bawi ng braso ko. Umatras ako palayo sa kanila pero hinarang nila ako.

“Huwag matigas ang ulo Gandara--”

“I said NO!” singhal ko sa kanila. Sunod-sunod akong umiling. “Ayoko. Hindi ako aalis--”

“He has a gùn!” hysterical na sigaw ni Code. “Wala siya sa katinuan ngayon kaya--”

“Nasa tamang katinuan ako!” katwiran ko sa kanila. “Mas kailangan niya ako ngayon. Kailangan niya ng karamay.” tinuro ko ang daan papunta sa gateway. “Kung sinuman ang dapat umalis KAYO yun. Umalis na kayo kung ayaw niyong madamay.”

Frustrated na napahilamos sila sa mukha. May napahimas sa batok. Meron ding napasabunot sa buhok at napasapo sa noo.

Sabay-sabay pa kaming napatingala sa taas ng marinig namin ang paparating na ugong ng chopper. Nagkatinginan sila saka pinagtulungan akong kaladkarin papunta sa gateway.

“Kapag 'di niyo ako binitawan mapipilitan akong kalabanin kayo!” sigaw ko pero hindi nila ako pinakawalan.

“We're doing this for your safety!”

“Mas lalo niyo akong nilalagay sa alanganin! Kapag umalis ako lalo siyang magagalit sa'kin!” nangangalaiting sigaw ko. Muli akong nagpumiglas. Pinakawalan naman nila ako. Inis ko silang tiningnan isa-isa. “Nagagalit siya kasi naglilihim tayong lahat sa kanya! Iniisip niya pinagkakaisahan natin siya!”

“Pinuprotektahan ka lang naman namin--”

“Prinuprotektahan niya rin ako!” sabad ko kay Jem. “Naiintindihan ko ang pinanghuhugutan niya ng galit.”

“Iba yung ngayon Gandara.” katwiran ni Stone. “Mas tumindi yung galit niya ngayon kaysa noon!”

“Alam ko! Alam ko. Higit kaninuman ako ang nakakaalam ng hirap ng pinagdadaanan niya. Nakikita niyo naman kung gaano kahirap ng sitwasyon niya diba? Pero sinusubukan niyang pigilan ang sarili niyang 'wag akong saktan. Nagkukulong siya sa Library or kung hindi man umaalis siya. Alam niyang pinagde-delete ko lahat ng messages sa inbox at email niya pero kailan man hindi niya ako pinaghinalaan na may tinatago ako sa kanya kaya ginagawa ko yun. Pwede ring OO, but he would rather choose me than believing his private investigators report. Paulit-ulit niyang sinasabi sakin na mahal niya ako. Na importante ako sa kanya. Tinupad niya yung pangako niya sa'kin pero ako..?” turo ko sa sarili. “Puro lihim ang ginawa ko. Puro sarili ko lang ang iniisip ko. Naging selfish ako. Hindi niyo ba nakikita yun? Hindi ba kayo naaawa sa kanya? Ako kasi nadudurog na e.”

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon