Beloved Tyrant 18

62 4 0
                                    

RALD JAMES GONZALVO

"May... namamagitan ba sa inyo ni Wayne--I mean lagi ba kayong magkasama no'ng wala ako?"

We were in the kitchen. Magkaharap na nakaupo sa magkabilaan ng mesa.

Natigilan siya sa pagsubo ng pagkain, tinitigan ako ng matagal saka ngumiti.

"Are you jealous, Love--"

"OO," sabad ko na ikinaawang ng labi niya.

I mentally smirked. Ganyan nga El Salvador. Mahulog ka sa akin. Sooner or later makukuha ko din ang lahat ng kailangan ko sa----yo--

Natigilan ako. Napatulala sa kanyang mukha. Nabigla sa biglang talon ng puso ko nang masilayan ko ang tamis ng kanyang ngiti sa akin. Pakiramdam ko nag-freeze ang buong paligid. Pati yung ano... nag-react sa--t'ngna! Masama ito. Lasing lang ako kagabi kaya nangyari yun. Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito. Hindi pwede. Hindi pwede sa kanya. Not with her--fück!

"Bakit Gandara ang tawag sayo ni Wayne?" minura ko ang sarili sa isip sa uri ng tanong na lumabas sa bibig ko--double fück!

"Hindi mo alam kung bakit?"

"Magtatanong ba ako kung OO?"

"Nagagalit ka--I mean... nagseselos ka kay Wayne?"

"HINDI..!" pinagpatuloy ko ang pagkain. "Ba't naman ako magseselos sa ugok na yun e ako ang nakauna sayo? Lamang pa rin ako sa kanya."

"O so may competition palang nangyayari sainyong dalawa?"

Marahas akong muling napaangat ng tingin sa kanya. "Anong competition?"

"Gandara; ganda means maganda syempre. Ra means Rashmin. So ibig sabihin no'n maganda si Rashmin and that's ME."

"Tss... feeling ka naman--"

"Hindi ako nagpi-feeling lang ah. I am confidently beautiful with a big heart." tinuro niya ako gamit ang kanyang kutsara. "Kaya pala hindi kita dinatnan pagkagising ko kasi nagpagupit ka pa ng buhok. Hmmm, nagpapa-impress ka ba sa'kin? I loved it. Lalo kang gumwapo sa paningin ko, Love."

"Bagay sa'kin--I mean..." umiling ako then clicked my tongue. "...wag mo akong inuuto ah."

"Ha? Hindi kita inuuto--"

"Kumain ka na nga lang diyan--"

"Hindi ka naniniwala sa sinabi ko?" sabad niya. "Kaya nga ako bumigay... sayo kagabi e."

"You mean... you like me?"

She blushed. Her face turned to a crimson pink. Sunod-sunod na lumunok. Inabot pa ang baso, uminom ng orange juice saka nahihiyang tumango.

Napalunok ako ng wala sa oras ng matamis niya na naman akong nginitian. Naguguluhan din ako ba't yung puso ko panay na din tumbling sa loob; makita ko pa lang ang mukha niya, marinig ko pa lang ang boses niya, masilayan ko pa lang ang tamis ng ngiti niya. Pakiramdam ko buo na ang araw ko.

Anong nangyayari sa'kin?

Ba't ako nagkakaganito?

Damn it!

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko. Nagulat ako ng tumayo din siya sabay ngiwi.

"Aw..."

Hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko siya. Humakbang palabas ng kusina.

"Rald..." tawag niya sa'kin.

Nagbingi-bingihan ako pero nang marinig ko ulit ang pagdaing niya malutong akong napamura saka malalaking hakbang na nilapitan siya... inalalayan.

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon